top of page
Search
BULGAR

Dismayado dahil kinampihan ng 2 anak ang nambabaeng asawa

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | May 25, 2022


Dear Sister Isabel,


Mabait naman akong ina at asawa, pero hindi ko lubos maisip kung bakit iniwan ako ng mister ko kahit matagal na kaming nagsasama. Ang masakit pa, kinampihan siya ng dalawa naming anak. Baligtad na talaga ang mundo dahil ang inaasahan kong simpatya ng mga anak ko ay wala dahil ‘yung ama pa nila ang kanilang kinampihan sa ginawang pag-iwan sa akin. Sobrang sakit, Sister.


Ngayon ko lang napagtanto na kahit perpekto ang isang housewife, papalitan pa rin siya ng asawa niya. Hindi kuntento ang ibang lalaki sa isang partner tulad ng nangyari sa akin.


Sana ay matulungan n’yo akong maka-move on dahil depressed na ako.


Nagpapasalamat,

Lourdes ng Lipa City



Sa iyo, Lourdes,


Nar’yan na ‘yan at ‘ika nga, the damage has been done, kaya dapat ay tanggapin mo na lang ang nangyari. Gayundin, isipin mo na hindi lang naman ikaw ang nakaranas ng ganyan, subalit nalampasan nila ito nang may buong katatagan. Mag-move on ka na, magpaganda, gayundin alagaan at mahalin mo ang iyong sarili. Sabi nga, learning to love yourself is a greatest love.


Isipin mo rin na walang permanente sa mundo at lahat ng bagay ay dadaan at lilipas. Maging ang asawa ay hindi permanente.


Gayundin, tandaan mo na everything has a purpose. May mas magandang purpose siguro ang Diyos kaya nangyari ‘yan sa buhay mo. Higit sa lahat, alalahanin mo na for everything that is lost, something else usually gain. Nawala man siya sa buhay mo, may magandang ilalaan sa iyo ang Diyos. Malalampasan mo rin ang nangyari sa iyo at higit pa ang ikabubuti nito sa iyo.


Hayaan mo na ang asawa mo sa piling ng iba dahil hindi siya karapat-dapat mahalin hanggang wakas. Bibigyan ka ni Lord ng taong mas makabubuti para sa iyo kung gugustuhin mo pa. Kung hindi naman, ipagdasal mo na lang na bumuhos ang pagpapala at mga biyaya sa iyong buhay at tiyak ko na ‘yan ang mangyayari, basta’t manatili kang maunawain, matatag at madasalin.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page