top of page
Search
BULGAR

Diskriminasyon at takot ng mga nagpositibo sa COVID-19, ‘wag nang dagdagan

ni Ryan Sison - @Boses | September 23, 2021



Ang bawat lokal na pamahalaan ay may kani-kanyang hakbang upang ma-monitor ang kanilang mga residente na nagpopositibo sa COVID-19.


Matatandaang sa National Capital Region (NCR), nagpapatupad ng Alert Level System at granular lockdown sa mga lugar na may positibo sa sakit nang sa gayun ay maiwasan ang malawakang hawaan at mahigpit na mabantayan ang mga tinamaan ng sakit.


Pero, paano kung pinaniniwalaan at ginagawang paraan ng lokal na pamahalaan upang ma-monitor ang kanilang residente ay posibleng magdulot ng diskriminasyon sa komunidad?


Sa Pateros, may ginagawang ‘yellow tagging’ sa mga bahay na may COVID-19 patient. Ang siste, lalagyan ng dilaw na laso ang tahanan para matiyak na mamo-monitor ang mga ito.


Gayunman, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang residente, at maging ang Commission on Human Rights (CHR). Habang binibigyang-diin nito na labag ang yellow tagging sa batas na nagbabawal sa hindi awtoridasong pagbubunyag ng pribado at impormasyon hinggil sa medical condition o treatment ng pasyente, naninindigan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na hindi ito labag sa batas dahil ang ‘yellow tagging’ ay boluntaryo lamang.


Tulad ng inaasahan, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko. Giit ng iba, wala itong maidudulot na maganda dahil bukod sa magdudulot ito ng takot, hindi mawawala ang diskriminasyon.


Baka sa halip na matakot sa COVID ang tao, mas matakot pa sila sa reaksiyon ng kanilang mga kapitbahay. Matindi na ang takot at stress na dulot ng sakit sa mga taong nagpositibo kaya plis lang, ‘wag niyo nang dagdagan.


Nauunawaan nating kailangang mag-ingat ng lahat, pero sa totoo lang, puwede naman itong gawin nang walang malalabag na karapatang-pantao.


Tutal, may mga ipinatutupad naman nang granular lockdown, sana’y maging sapat na ito upang matutukan ang mga lugar na mayroong hawaan.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page