ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | january 11, 2024
Nasa 73 percent ng mga Pilipino ang dismayado raw sa pagtugon ng pamahalaan sa inflation, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Ayon sa Pulse Asia, “most urgent national concern” ng mga Pilipino ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Isinagawa ang survey noong Dec. 3-7, 2023.
☻☻☻
Ang 73 percent disapproval rating ay tumaas mula 56 percent sa parehong survey na isinagawa noon lamang September 2023.
Ang iba pang isyu na umani ng disapproval sa ating mga kababayan ay ang pagpapataas ng sahod, na may disapproval rating na 36 percent mula 24 percent, pagsugpo ng graft and corruption, 33 percent mula 23 percent, pagtugon sa kahirapan 39 percent mula 31 percent, at pagtugon sa kagutuman 24 percent mula 16 percent.
☻☻☻
Mahalagang gabay ang mga survey na tulad nito para sa mga nasa pamahalaan sa mga isyu na kailangang bigyang-pansin.
At gaya ng ipinapakita ng survey na ito, gutom pa rin at ang kakayahan ng mga pamilya na matugunan ito ang pinakamahalagang isyu para sa ating mga kababayan.
“Hunger leads to discontent,” ang madalas ngang sabihin. Nagiging ugat ng tunggalian at rebolusyon ang malawakang gutom, kaya’t dapat ay top priority lagi ito para sa pamahalaan.
Sa panahon na inaasahan ang tagtuyot sanhi ng El Niño, mas kumplikadong hamon ang pagtugon sa isyu na ito.
Ngunit, umaasa tayong gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang masiguro ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments