ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 13, 2023
Bumaba ang bilang ng mga taong nadisgrasya dahil sa paputok sa loob ng nakaraang sampung taon, ayon sa ulat ng Philippine National Police – Firearms and Explosive Office (PNP-FEO) ngayong Miyerkules.
Batay sa datos ng FEO, naitala ng pulisya ang 306 na kaso ng disgrasya, kabilang ang isa na tinamaan ng ligaw na bala, sa pagdiriwang ng Bagong Taon para sa taong ito.
Bagaman mas mataas ang datos na ito kumpara sa mga nairehistro noong mataas ang pandemya noong 2021 at 2022, ipinakita ng datos ng FEO na mas mababa ito kumpara sa 904 na kaso noong 2013.
Samantalang naitala ang pinakakaunti na mga kaso noong 2021, na may 115 nadisgrasya, at noong 2022, na may kabuuang 188 disgrasya kaugnay ng paputok.
Sinabi ni FEO Explosive Management Division chief Colonel Al Abanales na kanilang sinimulan nang inspeksyunin ang mga tindahan ng paputok upang maiwasan ang pagtaas ng kaso at ang bentahan ng mga ilegal na paputok.
Commenti