Dear Roma Amor - @Life & Style | June 27, 2020
Dear Roma,
Tawagin mo na lang akong Ali, 30. Natigil ako sa trabaho dahil sa lockdown kaya naman nawalan ako ng income. Para maka-survive, sinubukan kong pumasok sa online selling. Nagsimula ako sa pagre-resell ng mga pastries at meryenda na gawa ng pinsan ko hanggang sa natuto na rin akong mag-bake at nagbenta ng mga sarili kong gawa. Masasabi kong okay naman ang benta dahil sa tulong ng pamilya ko kasi masipag din silang mag-post sa social media groups, pero nalulungkot ako dahil ni-minsan, hindi ko naramdaman na sinuportahan ako ng friends ko. Well, hindi ko naman hinihiling na bumili sila ng mga paninda ko, pero sana, kahit share or repost lang ng mga posts ko para maraming makakita na nagbebenta ako, pero wala talaga. –Ali
Ali,
May mga tao talagang hindi interesado sa ginagawa natin kahit kaibigan pa ang turing natin sa kanila. Gayunman, ‘wag kang malungkot dahil tulad naman ng sinabi mo, okay ang benta mo dahil sa tulong ng iyong pamilya. Ang mahalaga ay kumikita ka at nakaka-survive sa araw-araw. For sure, dadami pa ang kostumer mo kung lalo kayong magiging active sa socmed. Tandaan, oks ding makakuha ng suporta sa mga taong hindi mo kilala. Okay? Good luck!
Comentários