ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 6, 2025
Photo: TJ Monteverde - IG
Uy in pernes, ha, ang ganda ng review ng mga nanood ng concert ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum last time.
Bukod sa mga hugot songs at spiels ni TJ na kinagiliwan ng mga nanood, pinuri rin ang mahusay na direksiyon ni John Prats.
‘Yung paggamit daw ng mga ilaw, pag-maximize ng stage para sa isang solo artist, at iba pang bahagi ng production ay sinasabing na-master na nga ni Pratty na mukhang mas happy na bilang direktor ng mga shows at concerts.
“Puwede na s’yang magdirek ng foreign acts. He has what it takes to give us a world-class show. We are just proud of him,” sigaw ng mga nag-enjoy sa concert.
Isa pa rin sa mga sobrang pinag-usapan sa show ay ang na-video-han na ‘emote’ ng isang beauty queen na tila apektadung-apektado umano ng mga hugot songs/spiels ni TJ.
“Lalo’t halos two seats apart lang sila ng ex n’ya,” komento pa ng mga nakapanood.
Aguy!
Dahil sa inamin ni Tony Labrusca na siya ang naglabas ng dila sa kissing scene nila ni Herlene Budol sa bago nitong series, biglang lumutang muli ang mainit at iskandalosong halikan nina Tony at Angel Aquino sa isang proyektong ginawa nila many years ago.
“Ay, nabuhay uli. So hot!” komento ng ilang netizen na nagsabi nga noon na the next big thing nga sa showbiz industry ang isang Tony Labrusca.
Pero hindi nga ‘yun nagtuluy-tuloy dahil sa ilang mga kaganapan na nakaapekto sa career ng binata.
Kaya naman with this latest and newest TV series na Binibining Marikit under GMA-7, asahan daw nating aalagwa na naman si Tony na sobrang game sa mga eksena with Herlene.
Although pang-afternoon slot ang BM at rom-com ang awrahan, may mga eksenang ‘halikan at harutan’ daw sa kuwento na hindi uurungan ni Tony. Hahaha!
Kasama nila sa series sina Pokwang, Almira Muhlach, Thea Tolentino, Cris Villanueva, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at John Feir.
Ipinapakilala rin ang Afam na si Kevin Dasom bilang leading man din ni Herlene sa series.
DAHIL sa bagong ‘curiosity’ na tinatamasa ni Mark Herras after ng usapin sa pagsasayaw sa gay bar, kahit ang mga taga-academe pala ay iniimbitahan na siya.
Hindi para sumayaw kundi para magbigay ng speech sa kanilang programa tungkol sa pagiging ‘survivor sa buhay.'
Dumami rin daw ang invitation para sa mga sports events kung saan kasali nga si Mark
sa grupo ng mga artistang naglalaro ng basketball at dumadayo sa mga probinsiya.
“Basta legal at trabaho, gagawin ko,” sey pa ng aktor na sa mga panayam ay sinasabing
hindi niya kailanman ikinahihiya ang kanyang ginawa, lalo’t wala siyang tinatapakan na tao.
Medyo sablay nga lang si Mark para sa ilang nasa showbiz sa tinuran niyang wala siyang ‘image’ na pinoprotektahan.
Ayon sa mga ito, “Well, wala namang question sa paraan n’ya ng paghahanapbuhay o pagkita ng salapi but he has to remember na nagkapangalan siya sa showbiz, binigyan siya ng dance floor something na title at kaya siya kinukuha sa trabaho ay dahil sa mga imaheng ‘yun.
“‘Wag naman niyang sabihin na wala s’yang pinoprotektahan na image dahil kung ano man ang narating n’ya sa industriya ay malaking parte ang showbiz du’n. And that is something na dapat may proteksiyon din.”
‘Yun lang!
Hozzászólások