ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 25, 2024
Nakipag-meeting na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto para sa susunod niyang gagawing pelikula after ng When I Met You In Tokyo na naging entry niya last Metro Manila Film Festival kung saan siya ang nanalong Best Actress sa festival.
Sa Instagram page ni Ate Vi ay ipinost niya ang pagdalaw ng dalawang direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas kasama ang Mentorque Productions producer na si Bryan Dy at ibang mga staff.
Ipinost ni Ate Vi ang kanilang paghaharap at nilagyan ng caption na pasasalamat:
"Enjoyed our talk. Thank you @rnmrtnangls, @mentorque, @warrencatarig, @omardarling, @danvillegas and @tonetjadaone"
Comment ng Mentorque, “Insightful. Productive. Fun."
Sey naman ni Direk Tonet, "Maaaaam! It was an ethereal feeling hearing you talk. The drive to Lipa was very well worth it. Thank you for being so gracious and generous. O, 'di ba, napa-English ako. Napapa-salamat struck po!!! Thank you again Ma'm! Will tell mama about this."
"Exciting new movie," ayon naman sa isang commenter.
May nagre-request din na sana raw ay Vilma-Maricel Soriano movie ang gawin.
May mga nagtatanong kung pang-filmfest ba uli ang gagawin ng Star for All Seasons?
Mentorque kasi ang nag-produce ng Mallari ni Piolo Pascual last MMFF na naging 2nd top grosser at umani rin ng parangal.
Pero pag-amin ni Bryan Dy, Biringan ang entry nila para sa MMFF 2024.
Paliwanag ng Mentorque producer, “I want it to be a quality film for Ate Vi and we’re working with Dan Villegas.
"Ayaw kong madaliin ang pelikula and kailangan namin, it has to be good quality, lalo na't si Ate Vi pa ang involved, ‘di ba?”
Hindi raw nila mamadaliin ang script ng movie ni Ate Vi. Kukulangin na sila ng oras kung ito ang ihahabol para sa MMFF 2024.
Very particular daw kasi ang Star for All Seasons at award-winning actress sa script at excited daw talaga si Ate Vi sa kanyang next movie dahil kina Direk Dan at Tonette.
תגובות