top of page
Search
  • BULGAR

DIREK, NASUSUKA SA SEKSING LEADING LADY NI ALJUR SA MOVIE

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | November 6, 2021





Hinuhulaan naman ni Madam Damin na pagkatapos na pagkatapos ng pandemic ay sisikat na nang husto bilang Sex Goddess ang bidang babae sa pelikulang Manipula and at the same time ay producer ng Aflix Productions na si Ana Jalandoni.


Puwede niyang maMANIPULA ang titulong Bagong Pantasya ng mga Kalalakihan at mga katomboyan, boom ganerrrnnn!


And take note, sa face-to-face preskon ng Manipula ay tinanong itey ni yours truly kung na-turn-on ba siya sa mga love scenes niya sa limang leading men niya sa nasabing pelikula, lalo na kay Aljur Abrenica.


“Hindi po. Kasi ang nasa isip ko, ginagampanan ko lang ang role na dapat kong gampanan," nangingiti niyang paliwanag.


May nagbiro kung na-turn-on ba siya sa kanilang Manipula director na si Neal "Buboy" Tan at napatingin siya rito with matching Broadway smile at pabirong nagsabing… "Yes po.”


Eh, how about Direk Neal, na-turn-on din ba sa kaseksihan ni Ana Jalandoni?

“Ah, hindi, ah!” natatawang sey ni Direk Buboy Tan.


"Talaga? Hindi ka na-turn-on kay Ana Jalandoni in real life?" hirit kay direk.


“Hindi, 'noh! Nasusuka nga ako! Hahaha!” sey ni Direk Tan na ikinatawa ng lahat.


Well, bading is bading at siyempre, ang trip nila ay walang iba kundi same sex din nila na siyempre, pogi na, Dakota Harrison pa! At 'yun ang nagmaMANIPULA sa kanila, tsuk!


'Yun na!


O, siya, 'yun lang and I thank you.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page