ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 12, 2025
PULOS BAD NEWS, DAGDAG-DUSA SA MAMAMAYAN ANG INAANUNSYO NG MARCOS ADMIN, WALANG GOOD NEWS -- Sabi ng Bureau of Treasury (BOT) pumalo na sa P16.09 trillion utang ng Pilipinas, ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) tumaas ng 2.9% inflation rate sa bansa, pinanindigan naman ng Social Security System (SSS) ang monthly butaw na 15% sa mga SSS member, inanunsyo ng LRT management na magtataas sila ng pamasahe, sinabi naman ng Dept. of Energy (DOE) na may panibagong oil price hike next week, at ang latest statement ng Dept. of Trade and Industry (DTI) ay asahan na raw ng mamamayan na magtataas ang presyo ng mga grocery product tulad ng mga de-lata, gatas, kape, asukal, tinapay at instant noodles.
Hay naku, itong Marcos administration, pulos bad news na dagdag-dusa sa taumbayan ang inaanunsyo, wala na yatang good news na iaabiso sa publiko, buset!
XXX
SA MGA NAGING PRESIDENTE, SI PBBM ANG LUMALABAS NA PALAUTANG -- Sa 15 naging presidente ng Pilipinas, mula kay Pres. Emilio Aguinaldo hanggang kay Pres. Noynoy Aquino, o sa nakalipas na 147 years ang naging utang panlabas ng bansa ay P5.9 trillion, at sa loob naman ng anim na taong panunungkulan ni ex-P-Duterte ay pumalo ang utang na ito sa P12.79 trillion na ibig sabihin higit kalahati ng pinagsama-samang utang ng nakalipas na 15 pangulo ang nautang ng Duterte administration. Ito ang matindi, sa higit 2 taon pa lang ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay nakautang na ito ng halos P4 trillion, kaya sa ngayon ang kabuuang utang na ng ‘Pinas sa mga financial institution sa mundo ay nasa higit P16.09 trillion na.
Mantakin n’yo, higit 2 years pa lang sa puwesto ay nakautang na ang Marcos admin ng halos P4 trillion, kaya sa tantiya natin, mahihigitan pa ni PBBM ang naging utang ng Duterte admin.
Ang nais nating ipunto rito, sa mga naging presidente ng ‘Pinas, si PBBM ang palautang, boom!
XXX
‘SUNTOK SA BUWAN’ ANG IBINIDA NI AKO BICOL REP. ELIZALDY CO TUNGKOL SA P45K MINIMUM WAGE SA MGA WORKER -- Sinabi ni Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriation, na para gumanda ang buhay ng mga Pinoy ay dapat daw P45,000 ang minimum wage ng mga worker.
Ganyan talaga ang mga trapo (traditional politicians) kapag panahon ng eleksyon ay kung anu-anong mga pabidang “suntok sa buwan” ang sinasabi sa publiko, pwe!
XXX
SA NGAYON PUWEDE PANG MAGMATAPANG SI DIREK DARRYL YAP PERO KAPAG IPAPASOK NA SA BILIBID, TIYAK AATUNGAL ‘YAN NG IYAK -- Ayon kay film director Darryl Yap, buong tapang raw niyang haharapin ang 19-counts na kasong cyber libel na isinampa sa kanya ni comedian-TV host Vic Sotto kaugnay sa pelikulang “The Rape of Pepsi Paloma.”
Sa ngayon, puwede pa talagang magpakita ng tapang si Direk Yap, pero kapag guilty ang naging hatol sa kanya ng korte, tiyak magngangawa iyan kapag ipinapasok na sa Bilibid, boom!
Comments