top of page
Search
BULGAR

DINGDONG, TAMEME SA KALAT NANG 'SCANDAL' NILA NG SEXY INFLUENCER

ni Nitz Miralles @Bida | February 11, 2023





Patuloy ang pag-iingay ng isang seksing influencer na si Lai Austria at pagdadawit kay Dingdong Dantes sa kung anumang dahilan niya.


Nagsimula ito sa guesting ni Austria sa Family Feud ni Dingdong nu'ng Martes, Feb. 7.


Nag-post ang girl ng picture nila ni Dingdong na nilagyan niya ng caption na: “Wait n'yo 'yung sc*ndal namin.”


Nabulabog ang Twitter world at pinag-usapan ang post ni Lai, tinawag itong 'disrespectful' dahil may pamilya na nga naman si Dingdong.


Akala ng mga netizens, nang ma-call out nila si Lai dahil sa controversial post nito ay titigil na ito.


Pero hindi ‘yun ang nangyari dahil may mga kasunod pang post si ate gurl at sinasagot pa ang mga nagko-call out sa kanya.


Patuloy din sa pananahimik si Dingdong at ang kampo nito na tama lang na reaksiyon. Baka ‘pag nag-comment pa siya, mas lumaki pa ang isyu.


Sorry na lang, ate gurl, pero focused si Dingdong sa marami niyang trabaho at busy sa pag-e-entertain ng mga kaibigan na iniimbita sa bagong bahay nila ni Marian Rivera.


Bukod sa Family Feud, busy din si Dingdong sa Amazing Earth na mas binibigyan ng local colors ng production ang bawat episode, kaya mas relatable sa mga viewers.


Maganda rin ang ginawa nila na mag-guest ng Kapuso actresses na makakasama ni Dingdong.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page