top of page
Search
  • BULGAR

Dinededma man ng gymnast na anak… MADIR NI CARLOS, BINIGYAN NG ULIRANG INA AWARD

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 16, 2024



Showbiz News

Masayang tinanggap ng nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanyang Ulirang Ina Award na ipinagkaloob ng 7th Southeast Asian Achievement Award. 


Naniniwala ang mga bumubuo ng nasabing organisasyon na karapat-dapat si Mrs. Angelica Yulo sa pagkilalang ito dahil sa kanyang pagiging passionate, selfless at devoted mother. 


Maging ang mga nakikisimpatya sa Yulo Family ay nagsasabing si Angelica ay deserving sa award dahil siya ay isang inspirasyon para sa lahat ng ina. 


Marami ring pumupuri sa kasipagan at tatag ng loob ni Angelica. Ang kanyang kabutihan ng loob at unconditional love sa kanyang mga anak ay hinangaan ng marami, kaya naman patuloy ang buhos ng biyaya at ayuda sa kanilang pamilya. 


Kamakailan, ang sikat na psychic na si Rudy Baldwin ay nagpadala sa pamilya Yulo ng saku-sakong bigas at groceries upang pandagdag sa kanilang feeding project sa kanilang barangay. Isine-share naman ng pamilya Yulo ang mga ayudang dumarating sa kanila sa mga nangangailangan nilang kapitbahay. 


Sabi ng ilang mga netizens, blessing in disguise ang pang-iisnab sa kanila ng two-time Olympics gold medalist na si Carlos Yulo, na hindi nagpakita o bumati mula nang umuwi sa Pilipinas. 


Nagawa ni Caloy na tiising hindi makita ang kanyang sariling pamilya. Ni hindi sinasagot ni Carlos Yulo ang mga tawag at text ng kanyang amang si Mark Yulo.


 

KUNG hindi na maglalaro sa professional basketball si Kobe Paras, may fallback na siya na maaaring pagkakitaan. 


Dahil sa pagrampa nila ni Kyline Alcantara sa New York Fashion Week (NYFW), marami ang nagsasabing maaaring maging ramp model si Kobe dahil sa kanyang height at pormang sosyalin. 


Malakas ang appeal ni Kobe at maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya. Maaari rin siyang pumasok sa showbiz at mag-artista tulad ng kanyang mga magulang na sina Benjie Paras at Jackie Forster, pati na rin ang kapatid na si Andrei. 


Bata pa naman si Kobe Paras at marami siyang panahon para pag-aralan kung ano’ng career ang gusto niya. Kung babalik siya sa paglalaro ng professional basketball, malaki ang kanyang kikitain kapag napasama sa mga sikat na koponan. 


Pero, malaki rin naman ang talent fee (TF) ng mga ramp model at lalawak pa ang kanyang connection sa fashion world.


 

Talbog sina Sharon at Gretchen…

JINKEE, P31 M ROLEX ANG PINAKAMAHAL NA RELO


Jinkee Pacquiao

MARAMING mga netizens ang nagtatanong kung sa yaman ngayon nina Gretchen Barretto at Sharon Cuneta ay mahihigitan nila ang halaga ng luxury watch ni Jinkee Pacquiao, ang Rolex Daytona na worth P31 million. 


Ito ang pinakamahal sa koleksiyon ng luxury watches ni Jinkee, kasinghalaga na ng mansion. 


Diamond-studded ang luxury watch na ito at limited edition lamang. 

Samantala, si KC Concepcion ay mahilig din sa luxury watch at mayroon siyang relo na worth P20 million. 


Maging si Heart Evangelista ay may koleksiyon din ng luxury watch na milyones ang halaga. 


Well, sa mga celebrities, status symbol na ang pagkakaroon ng high-end at branded na gamit.


Sina Marian Rivera, Bea Alonzo, Jennylyn Mercado at Yassi Pressman ay milyones din ang halaga ng luxury watch na isinusuot. 


Gayunpaman, may ilang celebrities na nananatiling low profile at hindi nagpapabongga sa pagbili ng mga branded na gamit, pero marami na ring properties ang naipundar.


 

NAWAWALA raw ang Kapuso actor na si Ken Chan, at walang makapagsabi kung ano ang dahilan sa biglaan niyang pagdi-disappear. 


Pati ang karakter niya sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) bilang si Dr. Lyndon ay biglang pinatay at nawala rin. 


May ilang nagsasabi na abroad ngayon si Ken Chan dahil nagkaroon ng problema sa kanyang mga business partners. Nalugi ang ilan niyang pinasok na negosyo, at ipinababalik ng kanyang mga kasosyo ang kanilang in-invest na pera. Ngunit dahil nalugi, hindi na naibabalik ni Ken ang pera ng kanyang mga business partners. 


Wala pang statement na ibinibigay si Ken Chan sa media tungkol sa apela ng kanyang mga kasosyo sa negosyo. Kaya palaisipan pa rin sa lahat kung ano ang talagang naging problema nito. 


Maging ang mga malalapit na kaibigan at co-stars niya sa GMA-7 ay nag-aalala para kay Ken. Sana raw ay maayos na niya ang financial problem na kanyang pinagdaraanan ngayon. 


Naalala namin na bukod sa resto business na itinayo ni Ken ay binanggit din niya na mayroon pa siyang tatlong gasolinahan. ‘Yun nga lang, may kasosyo pala siya at hindi niya solo ang capital. 


Kailan kaya magsasalita si Ken Chan upang linawin ang mga isyung kanyang kinasasangkutan?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page