top of page
Search

Dine-delay daw ng Senado… ICE SA LGBT: MAG-INGAY PARA SA SOGIE BILL

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 27, 2023




Ayon kay Ice Seguerra, tigilan na raw ang delaying tactics ng Senado para sa isinusulong ng LGBTQ+ na SOGIE Equality Bill.


Panawagan ni Ice sa kanyang IG, "There are attempts to delay, ONCE AGAIN, the SOGIE Equality Bill from being deliberated in the Senate Plenary. Mga bakla, all eyes on the Senate tomorrow at hanggang ma-pass ang batas.


"I-tweet at i-email ang mga senador na full support tayo sa SOGIE Equality Bill na i-debate na sa plenaryo. Mag-post sa lahat ng social media (TikTok, FB at IG) at i-tag ang mga accounts ng mga senador at mga kaalyado, lalung-lalo na sina Senate President Miguel Zubiri at Majority Floor Leader Joel Villanueva.


"Ang pagbabalik sa committee ng SOGIE Equality Bill para maging parte ng iba pang bill o komite ay paglusaw at pag-delay nito.


"Tama na ang delaying tactics. I-plenary na ang SOGIE Equality Bill. #SOGIEEqualityNow #SaveEquality"


Komento ng mga netizens, "Divorce sana."


"I agree. Sa divorce kasi, may alimony and child support. Tapos 'pag 'di nakabigay, kulong. Mababawasan na sana mga deadbeat parents."


"Mas marami pang important bills, sa true lang."


"First hearing pa lang, pa'nong delaying tactics? Now lang in-open, gusto pasado agad?"


"Really? Insensitive mo accla."


"Wala kasi silang kita diyan kaya tamad ang mga mambabatas natin."


"Mas gusto divorce muna."


Hirit naman ng isang netizen, "OA mo, Aiza."


"Bakit 'di inasikaso ng poon n'yo noon? 'Kala ko ba, priority mga nangampanya sa kanya dati?"


Ano kaya'ng masasabi ni Ice sa mga kontra sa panawagan niya?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page