top of page
Search
BULGAR

Dina, pinaghintay sa taping, tinawag ding matanda… ALEX, DUROG NA DUROG SA NETIZENS

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | December 12, 2022



Paboritong pulutan ngayon ng mga Marites sa online world ang younger sister ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.


Nagsimula ito sa big reveal ni Alex sa kanyang vlog sa YouTube kung saan naikuwento niya na nu'ng 20 yrs. old pa lang siya, na-traumatize siya dahil isang "matandang aktres" daw ang tinalakan siya nang bonggang-bongga dahil sa pagka-late niya sa taping ng isang project.


Paliwanag niya, galing siya sa ibang work noon at hindi yata naipaalam sa 'matandang aktres' kaya na-award siya nang bongga.


Ang masakit pa raw, all these years, siya ang pinalabas na masama ng naturang aktres.


Bagama't pa-blind item ang pagkakakuwento ni Alex at wala naman siyang binanggit na name ng aktres, nahalukay at naikonek ang isang past interview ni Dina Bonnevie kung saan inamin nito na talagang may "nasampulan" siyang young actress dahil sa hindi magandang attitude nito.


Sa naturang interview kay Dina na lumabas sa PEP.ph nu'ng year 2018 pa, ganito ang naging dialogue ng aktres base sa panayam sa kanya ng writer na si kapatid na Gerry Olea.


"Talagang sinabihan ko siya, ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz? Your call is at 9 o'clock and you come down from your van at 12 o'clock na naka-pajama? Really?’


“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi pa ipinapanganak ang mambabastos sa akin. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself.’"


Wala rin namang binanggit na name si Ms. D kung sino ang tinutukoy niyang young actress that time pero dahil nga sa sinabi ni Alex sa vlog niya, napagtagpi-tagpi na ang senaryo.


Ang siste, durog na durog ngayon sa mga netizens si Alex at nagkaroon pa ng Team Dina at Team Alex sa online world para ipakita kung na kanino ang simpatya nila.


At kung babasahin ang mga comments, parang panalo ang Team Dina dahil ang hirit ng mga netizens, pinatunayan lang ni Alex na may "attitude" talaga siya dahil sa pag-describe niya ng "matanda" sa aktres na tumalak sa kanya gayung puwede naman daw niyang sabihing "veteran actress" ito.


Sey pa ng mga netizens, wala sa katwiran si Alex na maglitanya ngayon dahil siya na nga raw ang late at pinaghintay ang mga veteran stars sa taping, siya pa ang pa-victim.


Well, wala pa kaming naririnig na sagot ni Alex tungkol sa isyung 'yan pero siguro, kung totoong may ganyang 'ganap' noon, hindi pa naman late kung magpapakumbaba siya ngayon at magso-sorry kay Ms. D.


Siguro naman, after almost a decade, humupa na ang galit ni Ms. Dina at lumambot na ang puso lalo kung magpapakumbaba siya.


Maliit lang ang showbiz industry para magkaroon pa sila ng mga kaaway at kasamaang-loob. Baka bukas-makalawa, sila-sila rin ang magkakasama.







0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page