ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 4, 2024
Maglulunsad ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng 'Kalinisan Program' sa Sabado, Enero 6, na naglalayon ng mga pagsisikap upang tiyakin ang malusog at ligtas na kapaligiran.
Obhektibo ng inisyatibang ito na palakasin ang mga LGU at itaguyod ang partisipasyon ng komunidad sa pamamagitan ng tradisyunal na 'bayanihan' scheme.
Kilala rin bilang 'Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan' program, tinukoy ng DILG Memorandum Circular (MC) 2024-001 na layunin ng hakbang ang pagtaas ng kamalayan at pakikilahok ng publiko sa mga responsibilidad sa kalikasan sa pamamagitan ng tamang palilinis ng basura.
Binigyang-diin ng DILG na kaugnay ang programa sa kampanyang Bagong Pilipinas, na nagtataguyod ng dedikasyon ng estado tungo sa malalim at mahahalagang pagbabago sa lahat ng sektor ng lipunan.
תגובות