ni Jasmin Joy Evangelista | October 19, 2021
Hinihintay ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang report ng Batangas Provincial Police Office kaugnay na mass gathering sa Balayan, Batangas matapos bumisita ni Senador Manny Pacquiao.
Naging usap-usapan ang pagbisitang ito ni Pacquiao matapos dumugin umano ng mga tao sa kabila ng banta ng COVID-19.
Sinabi sa Laging Handa press briefing ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nais malaman ni Secretary Año ang detalye para matukoy kung mayroong naganap na paglabag sa quarantine protocols.
“Hinihintay pa rin po natin yung report mula sa Batangas Provincial Police Office at doon sa police station na mayroong kinalaman no, na may jurisdiction sa nasabing insidente,” ani Malaya.
“Ang natanggap lang po namin kasing ay raw report lamang at ang hinihingi po ni Secretary Año sa ating kapulisan is a more detailed report so that we can act accordingly,” dagdag niya.
Samantala, iginiit naman ni Sen. Manny na hindi siya namimili ng boto matapos nitong mamudmod ng pera.
Ito raw ay bahagi ng kanyang pagtulong na ginagawa na niya noon pang 2002.
댓글