ni Lolet Abania | April 29, 2022
Mahigit sa 41,000 police personnel ang nakatakdang italaga sa mga checkpoints sa buong bansa para i-secure ang pagsasagawa ng May 9 elections, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Biyernes.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ito ay karagdagan sa 16,820 pulis na na-designate para sa kanilang tungkulin sa eleksyon.
“Mayroon tayong nakatalagang 16,820 na mga PNP personnel for election duties. May karagdagang 41,965 personnel na nakatalaga sa 5,431 checkpoints sa buong bansa,” ani Malaya.
Ayon pa kay Malaya, na ang dalawang mga mobile forces ay nakatuon sa bawat probinsiya para sa seguridad sa araw ng eleksyon.
Comments