ni Thea Janica Teh | July 23, 2020
Isang magsasaka mula India ang nakahuli ng yellow turtle na kung saan ay pinaghihinalaan ng mga eksperto na kabilang sa albinism.
Habang nagtatrabaho sa bukid sa Sujanpur sa Balasore District ng Odisha, nakita ni
Basudev Mahapatra ang pagong at napagdesisyunang iuwi sa kanilang bahay.
Agad ding ibinigay ni Mahapatra ang pagong sa forest official para mapag-aralan.
Ayon kay Siddhartha Pati, executive director ng Association for Biodiversity Conservation, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakita siya ng ganitong uri ng pagong.
Kalimitang nakikita ang flapshell turtle sa Pakistan, Sri Lanka, India, Nepal, Bangladesh at Myanmar. Ang pagong na nahuli ay hinihinalang may 1 ½ o 2 taon na.
Bahagi ni Pati, kadalasan silang nagre-rescue ng mga pagong at alimango at pinakakawalan din sa tubig. Ngunit, ito ang unang pagkakataon na makahuli sila ng ganitong pagong sa Odisha.
Ipinaliwanag naman ni Pati na ang dahilan kung bakit ito dilaw ay dahil sa albinism. Ito ay isang disorder kung saan wala o kaunti ang tyrosine pigment nito. "Also, sometimes a mutation takes place in the gene sequence or there is a deficiency of tyrosine."
Sa ngayon ay pinakawalan na ng awtoridad ang pagong sa Balasore.
Amazing earth