top of page
Search
BULGAR

Digital signatures, kering-keri ihabol sa 2022 elections

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | June 11, 2021



Kani-kanyang paramdam na ang mga tatakbong kandidato sa May 2022. Unti-unti na nilang ikinakasa ang kanilang target bilang paghahanda para sa eleksiyon.


Mabuti pa sila kumakasa na, eh, ang problema ‘yung mga magpapatakbo sa eleksiyon at mismong tauhan o gurong magtatrabaho sa eleksiyon, naihanda na ba nila?


Mismong ang gagamitin na mga panteknolohiyang kagamitan, kailangan pang dagdagan dahil pararamihin pa natin ang mga voting precinct para may social distancing dahil pa rin sa COVID.


Pati ba naman ‘yung mga teacher hindi pa rin naibibigay ang personal digital signatures! Limang taon na ang nakararaan, ano’ng petsa na?


Noon pang 2010 ginagamit ang “machine digital signatures” sa mga eleksiyon, kahit mandato sa Omnibus Election Code na dapat pirmado rin ng mga gurong nagbilang ng mga boto na galing sa mga vote counting machines.


Ipinangako ng DICT ang mga personal digital signatures para sa mga guro noon pang 2016 at 2019 elections, para bantay-sarado sa kababalaghang maaaring gawin ng mga makina ng Smartmatic. Hay naku!


Nagpapatagal pa kasi ang mga hard-copy requirements ng DICT o papeles-papeles sa mga guro para sila’y makarehistro na’t makakuha ng personal digital signatures. Eh, tila panuya o biro pa sa atin na ngayong Hunyo ay National ICT Month! Eh, meron ba tayong dapat na ipagdiwang?


Pero may IMEEsolusyon na ‘yan! I highly recommend na i-execute na ang panukala ng DepEd na gawing online na ang pagsumite ng mga biodata at iba pang mga datos ukol sa mga guro para mabilisan na nilang makuha ang kanilang mga personal digital signatures. Dapat nga ay DICT ang nangunguna sa mga digital na galaw.


Kapag ginawa ‘yan, bultu-bultong pagpoproseso ang makakayanang gawin. Nakasanayan din naman ito ng DepEd sa kanilang 900,000 na teachers at employees. Matatapos natin agad ang rehistrasyon ng personal digital signatures sa Hulyo, na mas maaga pa sa target na iskedyul ng DICT na Setyembre hanggang Enero 2022 pa.


Kaya wish ko, asikasuhin agad na ito ng DICT. Well, wala na naman silang lusot para hindi buuin ang rehistrasyon ng libu-libong guro na bibigyan ng personal digital signature. Sasakto sa panahon para sa national and local elections sa Mayo 2022. So, gora na, now na! Keriing-keri natin ‘yan!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page