ni Angela Fernando - Trainee @News | October 26, 2023
Ipinakilala ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng edukasyon ang 'Digital Education 2028' na may layong gumamit ng mas makabagong paraan para sa pagkatuto.
Ito ay kanyang inihayag sa 49th Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel nu'ng Miyerkules, Oktubre 25.
Binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng teknolohiya sa pag-aaral, at kung paano nito matutulungan ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Saad niya, gusto ng DepEd na makita ang mga silid-aralang walang limitasyon sa tulong ng teknolohiya.
Patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang publisher at internet provider upang maging posible ang pagmodernisa ng pag-aaral sa bansa.
Sa kasalukuyan, may 25 na paaralan na ang napili para sa proof of concept ng Starlink, habang 2,000 pang paaralan ang nasa proseso para mabigyan ng libreng internet.
Comments