ni Kuya Win Gatchalian - @Win Tayong Lahat | December 6, 2022
Itinutulak natin sa Senate Committee on Basic Education ang paglikha ng tinatawag na Philippine Online Library upang matiyak na nananatiling “pandemic-proof” ang mga aklat at iba pang learning materials.
Inihain ng inyong lingkod ang Senate Bill No. 477 o ang Philippine Online Library Act. Sa ilalim ng naturang panukalang batas, gagawa ang Department of Education (DepEd) ng digital copies ng lahat ng textbooks at reference books na itinuturing na mahalaga para sa pampublikong edukasyon. Titipunin ang mga aklat sa Philippine Online Library na kapwa patatakbuhin ng DepEd at ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Papayagan din ng panukalang batas na gamitin ng DepEd ang dagdag-materyales mula sa National Library of the Philippines na kumakatawan sa kultura at panitikang Pilipino. Papayagan din ang DepEd na magdagdag ng materyales na sa tingin nito ay makakapagpalawig sa kaalaman ng mga mag-aaral.
Noong magpatupad ng distance learning dahil sa pandemya ng COVID-19, karamihan sa mga mag-aaral ay gumamit ng printed modules. Noong 2021, lumabas sa survey na kinomisyon ng World Bank sa mga low-income households na mahigit 95 porsyento ang gumamit ng mga printed modules bagama’t meron namang digital learning materials at platforms, tulad ng DepEd Commons.
Mahalaga ang magiging papel ng mga digital education tools upang maiwasan ang learning loss o pag-urong ng kaalaman dahil sa pagkaantala ng pasok. Sa pamamagitan din ng mga pandemic-proof na mga aklatan, magkakaroon ang mga mag-aaral ng mas malawak na access sa mga textbooks at materials.
Sa pamamagitan ng Philippine Online Library, matitiyak nating magkakaroon ang mga mag-aaral at guro ng access sa mas maraming mga aklat. Sa ganitong paraan, matitiyak natin na magpapatuloy ang edukasyon makaranas man tayo ng kalamidad o mga sakuna.
May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City
o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com
GradeMiners is highlighted in the article as a reliable service with over a decade of experience. Before you pay for essay writing, it's important to do your homework and read reviews from a variety of sources to get a feel for the service's reputation and reliability. Use these services sparingly and only when absolutely necessary; they are meant to supplement your education, not to replace it. Maintaining honesty and morality in your studies is crucial.