top of page
Search

Digi watches, pangontra sa lamok at malikot na kamay

BULGAR

ni Lolet Abania | July 01, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Photo: Source/Mosquito Blocker



Madalas inis na inis tayo sa mga insektong lilipad-lipad sa atin. Paikot-ikot na lamok na naghahanap ng makakagat. Hindi lang ‘yun, ang kating dulot nito na halos magsugat na sa kakakamot para kahit paano ay maalis ang labis na kating bigay nitong kagat ng lamok sa ating balat.


Alam niyo bang mayroong nadiskubreng gamit para maprotektahan tayo laban sa mga gustong mangagat na lamok, tinawag itong ‘Mosquito Blocker’. Ito ay two-in-one mosquito repellant at digital watch. Kumportable itong isuot na mayroong invisible forcefield at ultrasonic frequency para maprotektahan sa umaaligid na lamok o anumang insekto, tulad ng langaw.


Maganda pa, very safe ito dahil hindi na kailangan ng sprays o candles at iba pang mosquito repellant na puno ng chemicals na delikado sa ating kalusugan lalo na sa kapaligiran. Mabilis itong i-charge, long life din ang battery at higit sa lahat madali na itong mabili mula sa Tech Advice 24.


Samantala, kung may nadiskubreng watch na pamprotekta laban sa dengue na lamok, meron na ring naimbentong relo na nagba-vibrate sa tuwing ang kamay ng maysuot nitong watch ay mapapahawak sa mukha, ito ay ang ‘Vybpro’ watch.


Naimbento ito ng isang 15-taong-gulang na si Max Melia mula sa United Kingdom, ang relong nakakatulong sa tao na maiwasan ang paghawak sa mukha na maaaring ang mga kamay ay pinagmumulan ng virus at germs.


Madali kasing ma-recognize ng watch ang bawat galaw ng kamay kung hahawak o dadampi sa mukha. Hindi nga ba’t kaya tayo naka-mask ay para maprotektahan tayo sa mikrobyo na puwede nating makuha at mahinga agad? Ang palagian nating paghuhugas ng kamay ay kinakailangan nating gawin dahil sa mabilis na makakuha ng dumi ang ating mga kamay.


Sa nadiskubreng watch na ito, mamomonitor ang bawat kilos ng dalawa nating kamay na kung minsan ay napakalikot. Mas magiging conscious rin ang may suot nito sa lahat ng oras sakaling nalilimutang hindi dapat hawak nang hawak ang mukha. Isang rechargeable watch ang Vybpro, na silicon waterproof band at sealed pod ang design at dahil water resistance sa pawis, ulan at kahit mabasa dahil sa naghugas ng kamay hindi ito masisira. Gawa ang watch mula sa UK at ilalabas sa merkado sa Setyembre.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page