ni Jasmin Joy Evangelista | February 4, 2022

Sugatan ang aktor na si Diether Ocampo matapos bumangga ang minamaneho niyang sasakyan sa isang dump truck sa Makati City.
Sa inisyal na report, sakay ang aktor ng kanyang Ford Explorer nang sumalpok sa nakaparadang truck ng basura sa Osmeña Highway bago dumating sa Arnaiz Avenue, Brgy. Pio del Pilar.
Nangyari ang aksidente dakong alas-12:40 ng madaling araw.
Wala namang nasaktan sa panig ng mga basurero na nangongolekta ng basura nang mabangga ng SUV ang kanilang truck.
Agad namang rumesponde ang Philippine Red Cross para itakbo ang sugatang aktor sa ospital.
Wala pang opisyal na pahayag sa lagay ngayon ni Ocampo at patuloy rin ang imbestigasyon sa insidente.
Comments