top of page
Search
BULGAR

Dietary supplements para sa mga atleta: part 3 caffeine

ni Dr. & Atty. Erwin P. Erfe, M.D. - @Sabi ni Doc | November 27, 2021




Dear Doc Erwin,


Ako ay 21 years old at mahilig sa sports na swimming at running. Paminsan-minsan ay lumalahok din ako sa maliliit na kompetisyon at dito ay nalaman kong karamihan sa mga competitors ay umiinom ng Caffeine supplements. Sabi nila, malaki ang naitutulong ng Caffeine sa kanilang athletic performance. Totoo ba ito? Hindi ba ito makakasama sa aking kalusugan kung ito ay aking susubukan at iinumin? – Davidson D.


Sagot


Maraming salamat Davidson sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc.


Ang Caffeine ay natural substance na nanggagaling sa mga halaman katulad ng coffee, tea at cocoa at karaniwan itong iniinom bilang kape, soft drinks o tsaa. Inihalo na rin ang Caffeine sa iba’t ibang uri ng pagkain at inumin, ganun din sa mga over- the-counter at prescription medications. Sa mahihilig sa physical fitness at sports, iniinom ang Caffeine bilang sports drinks o energy drink o pre-work out supplements.


Ang Caffeine mula sa mga inumin, pagkain at gamot na nabanggit ay mabilis na na-absorb sa stomach at small intestine at nakararating sa ating dugo sa loob ng ilang minuto at sa iba’t ibang parte ng ating katawan sa loob 30-minuto hangang 2-oras.


Kailan ito dapat inumin? Kadalasan ay iniinom ito 60 minuto bago mag-exercise.


Kailangang ikonsidera kung ano ang preparation ng caffeine (halimbawa, ang caffeinated chewing gum at ang caffeine mouth rinse) dahil makakaapekto ito kung gaano kabilis o kabagal ang absorption.


Pinaniniwalaan ng International Society of Sports Nutrition (ISSN) na ang paggamit ng energy drink at pre-work out supplements na may Caffeine ay nakatutulong upang mapahusay ang anaerobic at aerobic performance.


Tandaan, nabanggit na benefits sa athletic performance ay dapat balansehin sa maaaring maging side-effects ng paggamit ng Caffeine supplements. Ang pinakamadalas na side-effects ng Caffeine ay pagbilis ng tibok ng puso (tachycardia), heart palpitations, anxiety, pagsakit ng ulo at insomnia.


Kailangan mo ring alamin kung ang paggamit ng Caffeine supplements ay ipinagbabawal ng sports association ng kompetisyon na iyong sasalihan. Bagama’t tinanggal na ng International Olympic Committee (IOC) at ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang classification ng Caffeine as “controlled” substance noong 2004, ito ay mino-minitor pa rin ng WADA sa mga atleta na sumasali sa international competitions at kinakailangang hindi hihigit sa 12 micrograms per milliliter of urine. Mayroong athletic associations din na nagli-limit sa caffeine concentration sa ihi na hindi hihigit sa 15 micrograms per milliliter of urine.


Dahil sa mga nabanggit na pananaliksik ng mga siyentipiko, masasabi nating ang Caffeine ay makatutulong sa iyong sports na swimming at running. Tandaan, ang body response sa anumang dietary supplement, tulad ng Caffeine ay kakaiba sa bawat indibidwal, lalo na kung habitual caffeine user. Ang physical at psychological response sa Caffeine ay maiiba. Maaari ring makaapekto ang environment (tulad ng heat at altitude) sa epekto ng Caffeine sa athletic performance. Mas makabubuti na maging mapanuri sa bawat dietary supplement na iinumin at masusing pag-aralan kung ito ay nakatutulong o hindi.


Sana ay nasagot ng artikulong ito ang inyong mga katanungan.



 

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com


0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page