top of page
Search
BULGAR

Diaz-Naranjo, Eala, Obiena at Yulo bida ng 2022 games

ni VA / MC @Sports | December 30, 2022




Sa pagbabalik face-to-face competition sa kalagitnaang bahagi ng 2022, bumanat na naman ng dalawa pang gold medal si Carlos Yulo sa Asian Championship sa artistic gymnastics sa Doha, Qatar. Nagsimula namang magbalik ang ilang fun runs at marathon matapos ang pandemya sa mga piling lansangan sa Metro Manila at karatig lalawigan at sa mga probinsiyang bahagi ng Visayas at Mindanao kung saan mas madalas doon ang trail runs o takbong paakyat at pababa ng bundok.


Regular na ring nagbalik sa paglalaro sa mga venue na may mga audience ang PBA Philippine Cup, maging ang NCAA Season '97. Bumida ang no. 7 Gilas U16 sa FIBA Asian Championships nang talunin ang Iran.


Sakalam naman sina Jermyn Prado at Mathilda Krog sa women's cycling criterium ng Philcycling National Championships. Si Prado ang sumungkit ng 3 gold sa road nationals. Umeksena ang no. 8 Pinoy pistoleros sa 8 medalyang nakuha sa Extreme Euro Open sa Czech Republic. Naka-ginto sa IBJJF Jiu-Jitsu C'ships si Margarita Ochoa. Gold din si pole vaulter EJ Obiena sa Germany.


Umani ng 12 ginto ang no. 9 PHL wushu team sa Global Taijiquan. Si PBA MVP Arwind Santos ay naka-10,000 points para sa Elite line-up. Pinakamalaki namang naging biktima ng no. 10. women's booters ang Australia nang talunin sa 2022 AFF.


Naka-ginto si no. 15 karateka Junaa Tsukii sa World Games. Tatlong gold din si no. 16.


Samantha Catantan sa Southeast Aspac fencing. Golden boys naman sina no. 11 Patrick Coo at John Derick Farr sa Philcycling BMX C'ships.


Nagkampeon ang no. 12 Filipinas booters sa AFF Cup nang talunin ang Thailand. Golden finish din si Weightlifter Angeline Colonia at Rose Jean Ramos sa Asian Youth and Junior Weightlifting habang naka-3 ginto si no. 17. Vanessa Sarno sa Uzbekistan. Ikinasal naman si Hidilyn Diaz-Naranjo. Gold din ang no. 13 Cebu-based PADS sa Dragonboat sa DBF World C'ship sa Florida.


Umangat sa top 3 ng World Athletics ranking si pole vaulter Obiena. Halos maubusan na ang 'Pinas ng world champion sa boxing pero umangat ang husay ni no. 18. Dave Apolinario para makuha ang IBO World Flyweight title sa South Africa.


Nakaginto agad sina veteran Paralympian Ernie Gawilan, Roland Sabido at Cendy Asusano at 6 pang gold sa swimming sa ASEAN Para Games. Naka-apat na ginto naman ang para chessers. Walang kupas si Sander Severino sa 2 gold.


Naka-2 ginto naman ang tambalan nina no. 14 Alysaa Hannah Go at Kharl Sha sa women's double sculls sa ASEAN University Games sa Bangkok. Naka-4 na gold naman mula sa Florida ang no. 15 Cebu Para Dragon Boat team. Gold naman ang wrestlers sa Singapore Beach Fiesta.


Naghari naman sa Ironman 70.3 PHLS sa Cebu sina no. 22 August Benedicto at Ines Santiago. Pagkasabak naman ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup qualifier ay naglaro si NBA Utah Jazz forward Fil-Am Jordan Clarkson na unang tinambakan ang Saudi Arabia, 84-46.


May 19 na medalya ang nakuha ng Taekwondo sa Vietnam, gold din ang surfer sa Phuket.


Pagkabalik sa national team ni Obiena ay naka-gold ito sa Germany at sa Wendell City.


Dinaig pa niya si world no. 1 Duplantis sa Brussels. Sumungkit pa ng ika-5 ginto sa Golden Fly at gold din sa Switzerland. Ipinamalas ni no. 15. Charly Suarez ang husay nang maghari pa rin sa WBA Asia Super featherweight. Nagkampeon ang no. 16 Ateneo Blue Eagles sa World University Basketball sa Tokyo, Japan. Gold si Sydney Sy sa Singapore Judo Open.


Naka-2 gold ang no. 21 badminton team sa Cameroon. Naka-3 ginto rin sa doubles event ng Benin sa Africa. Nag-first Grand Slam champion sa U.S. Open Junior girls singles si no. 16 Alex Eala. Nagkampeon ang team nina no. 17 Carlo Biado, Rubilen Amit at Johann Chua sa World 10-ball sa Austria. Pagsabak uli ni Yulo sa All-Japan Seniors ay nagkampeon siya rito. Champion si no. 17 Superman Gomez sa Texas Open One Pocket at sa U.S. high stakes one pocket c'ships.


Pagsapit ng Setyembre ay sunud-sunod nang naglaro ang UAAP, NCAA at iba pang liga ng basketball maging ng volleyball. Naka-2 gold si differently abled powerlifter no. 18.


Jinky Guion sa Cairo WWPO Lifting. Nag-champ naman ang no. 17 Ateneo sa MPS SEA Campus. May 11 medalya naman ang hinalibas ng no. 18 pencak silat sa India. Sa ONE C'ships Prime, impresibo si Stephen Loman kontra Brazilian Bibiano Fernandes.


Nagkampeon si Biado sa U.S. Pro billiards. Nag-champ ang no. 19 Team Lakay sa National Kickboxing. Nag-world champ si Anne Custodio sa Jiu-jitsu Int'l federation sa UAE. Naka-3 gold si no. 19 Catantan sa women's foil fencing sa U.S.


Nakahabol ng 3 gold medal sa world weightlifting sa Colombia si no. 20 Diaz-Naranjo.


Ginapi ni Pacman si DK Yoo sa kanilang exhibition match sa South Korea. Nagkampeon pareho sa Vietnam Marathon sina no. 20 Bryan Quiamco at Christine Hallasgo sa 42km distance. Pinabagsak naman ni Vincent Astrolabio ang Russian sa IBF title.


Overall champ naman ang Baguio City sa PSC-Batang Pinoy at most bemedalled athlete si Miguel Carlos sa archery sa 7 gold medal. Nag-champ si Rocky Pabalan sa UAE Blitz chess.


Sa iba pang malungkot na 2022, nagluksa ang buong sports industry nang pumanaw si Asia's Sprint Queen Lydia de Vega. Kulong naman ng 40-taon ang dating PHL team decathlete na si David Bunevacz sa U.S.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page