ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 9, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_7b9f03c00341488b8a90fed9da92bc25~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_7b9f03c00341488b8a90fed9da92bc25~mv2.jpg)
Marami ang nagtatanong kung bakit daw sa NET25 tumanggap ng show sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon (TVJ) ganoong matagal na silang napapanood sa GMA Network via Eat… Bulaga!?
May sitcom ngayon si Bossing Vic kasama ang kanyang mag-ina, sina Pauleen Luna at Tali, ang Love... Bosleng and Tali. Nakapag-guest na rito ang BFF ni Vic na si Joey.
May sarili rin daw show sa NET25 ang dating senador na si Tito Sotto.
May ilang netizens ang nagtatanong kung bakit hindi sa TV5 nakipag-negotiate ang TVJ?
Well, sa ngayon ay sobrang crowded ang programming ng TV5 dahil sa pagpasok ng ilang shows ng Kapamilya Network. Halos wala nang slot na mai-offer sa iba na gustong pumasok.
Malakas din naman ang signal at malawak ang viewership ng NET25, kaya rito ngayon pumapasok ang ilang shows.
Magiging asset ng Net25 ang Tito, Vic & Joey. At maging si Aga Muhlach ay mas pinili na tanggapin ang offer ng NET25 dahil maluwag ang kanilang programming.
Hozzászólások