ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 12, 2022

Nakakatuwa naman ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Imagine, kahit iba-iba ang kanilang nanay, para silang mga tunay na magkakapatid kung magturingan.
At talo pa nila ang mga tunay na magkakapatid like ang Barretto sisters at Yllana brothers, ha, dahil in fairness to Quizon siblings, wala yata kaming nabalitaan na umeksena sila sa social media at nag-away-away, nagbatuhan ng baho at kung anu-anong mga kaek-ekan.
When asked kung ano'ng sikreto nila, pag-amin ni Direk Eric Quizon nang makausap namin sa virtual presscon kahapon ng kanilang bagong show sa NET25, ang Quizon CT, kabilin-bilinan daw ng kanilang amang si Comedy King Dolphy bago ito pumanaw na, "Ayaw ko ng away-away, magmahalan kayo!"
Kaya naman 'yun daw ang tumatak sa isip nila at dahil sa malaking respeto sa ama, ayun nga, hindi sila umaabot sa point na parang mga leon at tigreng nagbabangayan.
At ina-acknowledge rin nina Epi at Vandolph na si Eric talaga ang gumagawa ng way kapag may mga problema at gusot sa pamilya. Talagang ito raw ang nag-aayos at nasa tama lang, walang favoritism.
Kaya naman siguro payapa ang kanilang amang si Tito Dolphy dahil nakikita niyang tahimik at nagmamahalan ang kanyang mga iniwang anak.
At bonus pa nga dahil ayan, magkakasama ngayon sa bagong show ng NET25 na nagsimula na noong Linggo (Jan. 9) at 8 PM, ang Quizon CT ang magkakapatid na Eric, Epi at Vandolph at kasama rin nila ang misis ng huli na si Jenny Quizon.
Gustong ipagpatuloy ng Quizon brothers ang legacy ng kanilang ama na makapaghatid ng comedy kaya kahit pressured dahil baka maikumpara sa Comedy King, gagawin daw nila ang kanilang best para makapagbigay ng entertainment.
Comments