ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 8, 2025
Magkatabi ang photo frames nina Marian Rivera at Bea Alonzo sa inaugurated na Kapuso Wall sa loob ng GMA Network. Nasa first line rin ang photo frame nila, pagkilala ito sa status ng dalawa sa entertainment industry.
Ibig sabihin nito, mali ang balitang hindi na magre-renew ng kontrata sa GMA Network si Bea dahil hindi ilalagay ang photo frame niya kung mawawala na siya sa network.
In fairness, hindi pa man natatapos ang Widows’ War (WW), may tsikang kino-conceptualize na ang next series niya. Pinag-usapan din ang pagre-renew nito ng kontrata sa Kapuso Network, kaya hindi alam ng kampo nito kung saan galing ang mga maling tsika.
Habang wala pang project, busy muna si Bea sa kanyang mga endorsements at magkasunod ang launching ng TVC ng cellphone endorsement niya kasama si David Licauco at isang beauty product.
Sa piktyur kasama ang mga Hollywood stars…
LOVI, SINABIHANG BADUY
Hindi lang pala si Jennifer Aniston ang na-meet ni Lovi Poe sa Lolavie x Rare Beauty Galentines, kundi pati si Selena Gomez. May photos siya with the two international celebrities.
Sa picture ni Lovi with Jennifer, ang caption niya ay: “The one when Rachel meets Denise Phoebe’s roommate.”
Sa photo naman niya with Aniston and Gomez, ang caption ni Lovi ay: “Had the best time at the Lolavie x Rare Beauty Galentines with @jenniferaniston and @selenagomez—proving that friends who stay together, slay together!”
Gaya sa post ni Lovi kasama si Aniston, ang daming “OMG!” comments mula sa mga followers ni Lovi. May nanghingi naman ng details, as in, gusto sigurong malaman kung ano ang kanilang pinag-usapan. May nag-comment pa na early birthday gift for Lovi meeting the 2 celebs dahil birthday niya sa February 11.
May mga bitter lang at inggit kay Lovi na nag-comment na baduy ang ayos nito at may nag-comment pa na kaya nami-meet ni Lovi Poe ang mga sikat na Hollywood stars ay dahil producer ang husband niya.
Mga inggitera talaga, ayaw papigil.
KONTRABIDA ang role ni JC de Vera sa In Thy Name (ITN), ang pelikulang inspired by the story of the martyrdom of Fr. Rhoel Gallardo, CMF and the heroism of the Filipino soldiers.
Ginagampanan ni JC ang karakter ni Khadaffy Janjalani, isa sa mga members ng Abu Sayyaf na dumukot kina Fr. Rhoel.
Binago ni JC ang kanyang hitsura for the said role at kamumuhian siya ng moviegoers sa nabanggit na pelikula.
Dahil sanay tayong mapanood ang aktor sa mga pambida at mabait na roles, ang tanong sa kanya ay kung paano niya inatake ang role ni Janjalani?
“It’s not all the time I got to play this kind of role dahil for the longest time, matino ang mga roles ko. This is a nice opportunity for me to play this kind of role, additional to my resume.
“Yes, mahirap, but I embrace it fully. When it was first presented to me, hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ito. I really want to do the role, ako pa ang nag-follow-up kung kailan ang start ng shooting.
“I really want to work with McCoy (de Leon) and Kuya Mon (Confiado) and Direk Cesar (Soriano). Masarap silang katrabaho,” sabi ni JC.
Sa tanong kung ano ang take away niya in playing Janjalani’s role, maganda pa rin ang sagot ni JC.
Realization niya, “Doing this film, na-realize ko na lahat tayo, may strong belief sa religion. It’s just that may nag-iisang Diyos na pinaniniwalaan natin. Doing this film, na-curious ako up to now kung saan galing ang pinag-aawayan nila.
“Ano ang ginawa ng mga Katoliko para magalit si Janjalani? Naniniwala ako na dapat respetuhin ng isa’t isa ang paniniwala sa religion at kung anuman ang paniniwalang ‘yun.”
Comments