ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 22, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_79b3b08bc75c4ee6980b3c7aba6da8da~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_79b3b08bc75c4ee6980b3c7aba6da8da~mv2.jpg)
Sa kanilang pagbabakasyon abroad, madalas ay kasama nina Ellen Adarna at Derek Ramsay si Baby Elias. Magkasundung-magkasundo si Derek at ang anak ni John Lloyd Cruz kay Ellen at para na ring tunay na anak ang turing ng una sa bata.
Kaya naman panatag ang loob ni John Lloyd dahil nakikita niyang mahal na mahal ni Derek si Elias.
Kaya nang may ilang netizens ang nagtanong kay Ellen kung nakikita-nakakasama pa ba ni Baby Elias ang kanyang biological father na si John Lloyd, diretso ang naging sagot ni Adarna. Binigyan daw niya ng 12 days in a month si JLC na makuha si Elias upang sila ay magkasama at mag-bonding na mag-ama.
Hindi raw niya inaalisan ng karapatan si John Lloyd sa kanilang setup. So far, hindi naman nakakaramdam si Baby Elias na neglected siya ng kanyang Daddy Lloydie.
Comments