ni Julie Bonifacio - @Winner | October 08, 2021
Magpapahinga na ang Star for All Seasons at kongresista na si Vilma Santos-Recto sa pulitika pagkatapos ng mahigit dalawang dekada.
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Rep. Vilma ang announcement ng kanyang “pamamahinga” sa pulitika, temporary man ito or baka maging permanente na.
For safety and health reasons ang naging major na basehan ni Rep. Vilma sa hindi niya pagtakbo sa 2022 national elections.
“After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections,” panimula ni Rep. Vilma sa kanyang post.
Nilinaw ni Rep. Vilma na kahit 'di raw siya tatakbo sa darating na halalan ay hindi siya titigil sa pagtulong at pagbibigay-serbisyo sa kanyang mga kababayan sa Batangas.
“I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity,” lahad pa ni Rep. Vilma.
Mukhang aprub naman sa mga fans and followers ni Rep. Vilma sa social media ang kanyang naging desisyon na hindi tumakbo sa COC. At ngayon pa lang ay inaantabayanan na nila ang pagiging aktibong muli ng aktres sa showbiz.
And of course, mas may time na ngayon si Rep. Vilma sa bago niyang kinaaaliwang gawin, ang pagba-vlog.
“Good decision, Ate Vi, showbiz uli.”
“You deserve to rest after a long and great public service.”
“Relax-relax muna Ate Vi. Enjoy your life, ok? Lahat ng pangarap mo, ibinigay na ni Lord.”
“Yesss Ate Vi, focus na lang sa pagba-vlog. We love you very much."
“We love you, Ate Vi, kung saan ka masaya, suportahan ka namin. God bless.”
Comments