ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 16, 2025
Photo File: Comelec / Nora Aunor
“Nagsumite na po ako ng aking withdrawal sa Comelec at sa opisina ng People’s Champ Party List para sa May 2025 elections,” ito ang naging pahayag ni Superstar Nora Aunor sa mga Noranians sa pamamagitan ng kanyang social media (socmed) account.
Hindi idinetalye ni Ate Guy ang reasons ng kanyang pagwi-withdraw bilang partylist representative sa 2025 elections.
Well, kung ano ang kanyang reasons, let’s leave it to her na lang. Siguro nga, not meant to be siya na maging politician.
Pero kahit hindi naman siya politician ay tumutulong pa rin siya sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong, lalo na ‘yung mga nasalanta ng mga kalamidad tulad ng super typhoon or sunog.
Pumunta pa nga siya kay Boss Toyo para makahingi ng tulong-pinansiyal para sa mga dapat tulungan.
Let’s all give thanks to Superstar Nora Aunor for sharing her blessings to others kahit wala siyang bagong ginagawang series or any movie projects.
Long live the Superstar Nora Aunor!
Huwag na raw magsentimyento ang mga fans ni Aga Muhlach. Tiyak daw kasing babawi ang aktor sa Manila International Film Festival (MIFF).
Magsisimula sa January 30, ang MIFF ay magtatapos sa February 2.
Sa ngayon ay meron nang international screening ang Uninvited kung saan kasama si Aga sa cast.
Nitong January 2, napanood na ito sa United Arab Emirates, Qatar at Bahrain.
Sa January 10 naman ay nakatakda itong ipalabas sa US at Canada.
Sa January 19 naman ito naka-schedule sa Malta at Paris, France.
Tulad sa 49th MMFF, iba ang nanalo rito last year kumpara sa mga itinanghal na winners sa MIFF sa Amerika.
Kung ito ang premise, not necessarily na si Dennis Trillo pa rin ang tanghaling Best Actor sa MIFF.
At puwede ring hindi si Judy Ann Santos – si Vilma Santos-Recto kaya?
Комментарии