ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 20, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_7eabf57ada854b96a4b9a621cae0bb13~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_7eabf57ada854b96a4b9a621cae0bb13~mv2.jpg)
Nag-aalala ngayon ang mga fans nina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil sa umiikot na balitang maghihiwalay (o naghiwalay na?) na ang JakBie.
Ngayon pa lang, marami na ang labis na nanghihinayang dahil 7 years na ang kanilang relasyon. Malalim na ang kanilang pinagsamahan at nagkatulungan na rin sa kani-kanilang career.
Dapat daw na kontrahin ang mga hula ng mga psychics tungkol sa paghihiwalay nina Barbie at Jak upang hindi matulad sa KathNiel, pati sa nangyari kina Kim Chiu at Xian Lim.
Napaka-ideal pa naman ng relasyon nina Barbie at Jak kasi pareho silang goal-oriented at marami silang magagandang plano para sa kanilang future.
Bukod pa riyan, tanggap si Jak Roberto ng pamilya ni Barbie at itinuring na siyang miyembro ng pamilya na nakakasama on special occasions.
Dasal ng mga kaibigan nina Barbie at Jak ay 'wag magkatotoo ang hula sa kanilang paghihiwalay.
Sabi kasi sa hula, third party sa panig ni Jak Roberto ang magiging dahilan ng hiwalayan at hindi si David Licauco.
Comentarios