top of page
Search
BULGAR

'Di si Chiz ang kasabay kumain… HEART, SINUSUBUAN PA NG HOTPOT ANG ALAGANG ASO

ni Nitz Miralles @Bida  | July 9, 2024



Showbiz News

Pati sa pagkain, kasama ni Heart Evangelista ang pet dog niyang si Panda. Hotpot mula sa Super Spy ang kinakain ni Heart dahil may fever daw siya at bagay 'yun sa may lagnat.


‘Yun na nga, habang kumakain, katabi niya si Panda na kanyang sinusubuan at ang cute lang na pinalalamig muna ang food bago isubo kay Panda.


Makikita sa reels na lumapit si Sen. Chiz Escudero sa kanyang kinakain. Masarap nga siguro ang kinakain ni Heart na mula sa isang resto sa Mandaluyong City na dinadayo at pinipilahan. 


Dahil sa subtle endorsement ni Heart, siguradong big time na madaragdagan ang mga kakain sa nasabing resto.


And speaking of Heart, pagbalik niya from Paris Fashion Week, hinarap agad ang trabaho niya bilang president ng Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI).


Tinanggap nito ang donations ng iba’t ibang companies na sumusuporta sa SSFI na ipapamahagi nina Heart sa kanilang beneficiaries gaya ng Tahanang Mapagpala Center for Boys sa Caloocan City, Social Development Center for Girls sa Caloocan City, Villa Marilac Home for the Elderly at Missionaries of the Poor sa Naga City.


 

PINASAYA at pinakilig ni Coco Martin ang love of his life na si Julia Montes nang padalhan niya ng malaking flower bouquet bago ang 7th EDDYS Awards. 


Nu’ng unang pasok ni Julia sa room niya sa Marriott Hotel, hindi niya agad napansin ang bouquet of flowers dahil excited na makita si Director Irene Villamor.


Nang ipaalam sa kanya ang bouquet of flowers, napasigaw at nagtatalon ito sa tuwa.

Agad nitong nilapitan ang mga bulaklak at kinuha ang card na may nakasulat na dedication at kung kanino ito galing.


Tumalikod si Julia nang binasa ang card at nagbiro na walang titingin. Sabi pa nito, that time, mas maganda siya kay Justine (pangalan ng karakter niya sa movie nila ni Alden Richards na Five Breakups and A Romance).


Sumunod na ang picture taking ni Julia sa tabi ng bouquet at kita ang ganda ng ngiti nito habang nagpo-pose sa tabi ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak.


Kabilang si Julia sa mga kinilalang Box Office Hero sa 7th EDDYS Awards at nanalong Best Actress sa pelikulang Five Breakups and A Romance


At dahil nag-Best Actress, siguradong may pa-bulaklak uli si Coco Martin para kay Julia Montes at baka mag-blowout pa.


 

LUMAKI na ang isyu sa hindi pag-attend ni Alden Richards sa 7th EDDYS Awards at ikinokonek ang absence niya sa hindi rin pag-attend ni Kathryn Bernardo. 


As for Alden, may sakit ito kaya hindi nakadalo sa awards night and knowing him, hangga’t kaya ng kanyang katawan, dadalo ito.


Sunud-sunod ang ganap ni Alden nitong mga nakaraang araw at sa mga photos niya sa taping ng Pulang Araw, may pumansin na mukha siyang pagod at puyat. Pinayuhan siya ng mga fans na magpahinga at matulog bago muling sumabak sa sunud-sunod na trabaho.


Kaya lang, paano magpapahinga si Alden, sunud-sunod nga ang schedule at kailangang tapusin niya ang mga eksena sa historical drama series ng GMA-7 bago siya lumipad pa-Canada para sa shooting nila ni Kathryn ng Hello, Love, Again


May shows pa siya sa States at sa Canada bago mag-shooting at may endorsement shoot pa on the side, kaya paano siya magpapahinga?


As for Kathryn, may dahilan naman siguro kung bakit hindi siya nakadalo sa 7th EDDYS Awards at tiyak na ipinaalam ng kampo nito na hindi siya makakarating. 

Pero, dahil sa hindi nila pagdalo, naging isyu, nag-aaway ang mga fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo at naba-bash ang aktor.


 

NI-LIKE raw ni Dominic Roque ang post ni Bea Alonzo ng cover niya ng Tatler Philippines na ikinatuwa ng kanilang mga fans. Ipinakita lang daw ni Dominic na wala siyang sama ng loob sa ex-fiancée at suportado pa rin niya ang mga achievements nito.


Magaan sa loob ng mga fans nina Bea at Dominic na kahit wala nang relasyon ang dalawa, may respeto pa rin sila sa isa’t isa. 


Nabanggit din naman ni Bea na okey sila ni Dominic after nilang maghiwalay. ‘Yun nga lang, matatagalan bago sila mag-usap at magkasama sa mga events.


Binibiro pala si Dominic na hanggang pagko-congratulate na lang siya sa mga bagong engaged couple. Ang latest na kinongratyuleyt niya ay sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks. 


Biro ng mga fans, kailan naman iko-congratulate uli ng friends niya si Dominic sa kanyang engagement?

0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page