ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 18, 2024
Photo: @bernardokath - TikTok
Hit na hit ang TikTok video ni Kathryn Bernardo kasama ang isang mystery guy na hindi ipinakita ang mukha.
As of this writing nga ay nasa 16 million na ang views nito at siyempre, iisa lang ang hula ng mga netizens kung sino si mystery guy.
Sa video na ini-upload ng aktres ay mapapanood na inili-lip sync niya ang hit song ni Sabrina Carpenter na Bed Chem, specifically the lyrics “Who’s the cute boy with the white jacket and the thick accent?”
Sa dulo ng video ay makikitang hinila ni Kathryn ang braso ng isang lalaki, hindi na ipinakita ang mukha ng guy pero makikita naman ang braso niya na nakasuot ng white jacket.
Ang maikling caption lang ng aktres sa video ay “Hmmm...”
Ang hula siyempre ng mga netizens sa naka-puting jacket ay ang leading man nito sa
Hello, Love, Again (HLA) at rumored boyfriend na si Alden Richards dahil lagi nga rin itong nakasuot ng white jacket sa kanilang mga mall tour.
Pero para matapos na ang haka-haka at intriga, tinuldukan na ng 24-Oras ang isyung ito at ini-report na ang naka-puting jacket sa video ay ang road manager ni Kathryn na si Arlie Salagantin.
‘Yun nga lang, ang ibang mga KathDen fans ay hindi naniniwala at positibo sila na kamay daw talaga ni Alden ang nasa video.
Ang sweet daw kasi ng paghawak ni Kathryn sa braso kaya feeling talaga nila ay si Alden Richards ‘yun.
NAAKSIDENTE pala ang mommy ni Derek Ramsay na naging dahilan para isugod ito sa ospital at maoperahan.
Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram (IG) ang nangyari sa kanyang ina na aniya ay ‘scariest moment of his life’.
“The other day, my mom took a bad fall and broke her forearm. Seeing her fall and seeing her in so much pain was the scariest moment of my life. My mom is a strong woman, so it was difficult to see her screaming and crying due to the pain,” pahayag ni Derek.
Sa ngayon ay naoperahan na ang kanyang ina at nagpasalamat ang aktor na tagumpay ang operasyon.
“The day after, my mom had her surgery, and it was a successful one. Thank you to all the doctors and nurses who took care of her. Thank you, guys, for all your prayers and well wishes. Thank you, Lord, for answering all our prayers!” pasasalamat ni Derek.
Sey pa niya, “Mom is back to putting on her own makeup, which is definitely a good sign!!”
Nagbahagi rin ng video si Derek kung saan ay makikitang nasa hospital bed ang ina at mukhang okay na nga ito dahil nagbibiruan na sila.
Commentaires