top of page
Search
BULGAR

'Di sanay na mag-isang gumawa sa bahay… MARIEL, INIWAN NG MGA KASAMBAHAY, NAWINDANG

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 18, 2021




Nawindang ang beauty ni Mariel Rodriguez-Padilla dahil hindi niya akalaing mahirap pala ang walang katuwang na nagtatrabaho sa bahay.


Pansamantalang iniwan si Mariel ng mga yaya nila sa bahay dahil kinakailangang magpabakuna ng mga ito kontra-COVID-19.


Hindi lang naman kasi ang pag-aalaga sa dalawa nilang anak ni Robin Padilla ang ginagawa ni Mariel kundi inaasikaso rin niya ang kanyang negosyo.


Hindi raw naman siya matutulungan ni Binoe dahil naka-quarantine ang aktor matapos gumawa ng docu-series nito.


Pagbalik daw ni Robin sa bahay ay nag-quarantine ito nang sa gayon ay safe silang mag-anak.

Aminado si Mariel na bilib siya sa mga nanay na kinakaya ang mga gawaing-bahay at pag-aalaga sa mga anak.


Nasanay umano siyang palaging may tumutulong sa kanya kaya hindi niya mapigilang makaramdam ng takot na baka hindi niya kayaning mag-isa.


Sa ibinahaging vlog ng TV host-actress ay ipinakita kung ano ang gawaing ginagawa niya nang mag-isa. Mapapanood sa video na mag-isa niyang pinakain ang mga anak pagkagising ng mga ito.


Bukod sa pag-aasikaso sa mga anak, kinailangan din niyang maghatid ng order sa kanyang negosyo kaya iniwan niya pansamantala ang mga bata.


Hindi ikinaila ni Mariel na nahirapan siya sa ginagawa nang mag-isa. Nandu'ng hindi na niya maayos ang mga nakakalat na laruan na pinaglaruan nina Isabella at Gabriella.


Nang dumating na ang mga kasambahay, hindi maitago ni Mariel ang kasiyahan dahil makakapagpahinga na siya.


Sabagay, hindi naman masisisi si Mariel, dahil lumaki siyang may mga kasambahay talaga.


But in fairness, kinaya talaga niyang gampanan ang maging isang mabuting ina and at the same time, naisisingit pa rin niya ang kanyang negosyo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page