top of page
Search
  • BULGAR

‘Di raw totoo na sobrang malib*g ang asawa… SIGAW NI MARIEL: GENTLEMAN SI ROBIN

ni Beth Gelena @Bulgary| August 21, 2024



Showbiz News
Photo: Robin at Mariel Rodriguez Padilla

May post na 14th anniversary greetings si Mariel Padilla para sa mister na si Senador Robin Padilla. 


Mensahe niya, “It’s Our Anniversary! Throughout 14 years, this true gentleman has shown me nothing but respect, honor, gallantry, tenderness, and love.” 


Aniya pa na tila may ibig sabihin: 


“Opinions are free to be formed, but not at the expense of the truth.


“Happy Anniversary, my babe I’m always by your side.”


Maraming celebrities ang nagpadala ng congratulatory notes sa lovely couple. 

Sey nila:


“Grabe, the throwback photos! Parang kailan lang, time really flies. Happy anniversary!”


“Can see the love between you both by the way you look at each other. Happy anniversary!”


“Happy anniversary, wishing you both a lifetime filled with love, laughter, and endless joy. May each year together be better than the last. Cheers to your beautiful journey!”


 

NAG-CELEBRATE ng 8th anniversary ang ‘Showtime Online U’ at nag-perform ang mga hosts ng online show sa It’s Showtime (IS) last Monday. 


Isa ang singer na si Ana Ramsey sa mga original hosts ng Showtime Online

Nagbigay ng mensahe ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda sa mga hosts, na pawang mga bata pa. 


Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Vice Ganda sa mga hosts ng Showtime Online U sa kanilang dedikasyon at sakripisyo.


Binigyang-diin ng TV host na malaki ang kontribusyon ng mga hosts sa pagpapanatili ng sigla ng programa kahit na maliit ang kanilang sahod. 


Partikular niyang pinasalamatan si Ramsey na ngayon ay lumipat na sa Wil to Win (WTW) at hinikayat itong ipagpatuloy ang pagiging mahusay.


Ayon pa kay Meme Vice ay patuloy nilang susuportahan si Ana sa bagong yugto ng kanyang karera. 


“Mahalaga ang ginagampanan ng mga hosts sa pagbibigay-buhay sa Showtime Online U, lalo na sa mga pagkakataong dumadaan ito sa pagsubok,” wika ni Vice. 


“Kay Ana Ramsey, maraming salamat. You did so good, ang galing-galing mo, kaya magpakagaling ka d’yan. At papalakpakan ka namin, we are rooting for you, Ana Ramsey.”


Why naman lumipat? 


 

Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ni Sandro Muhlach na inabuso siya. 

May heartbreaking post ang anak ni Niño Muhlach sa kanyang Instagram (IG) kung ano ang totoong nangyari sa kanya na pinandidirihan niya. 


Hindi umano siya makatulog at ang post-traumatic stress disorder (PTSD) ay hindi umano madaling labanan. 


Despite his ordeal, nagpapasalamat si Sandro sa mga taong tumitingin sa kanya. 

Aniya, “What you did to me, it wrecked me. Hirap na hirap ako makatulog since it happened. Anxiety and PTSDs are hard to beat, everyday akong hino-haunt ng trauma ko. “Ayokong mangyari sa iba ‘yung ginawa sa ‘kin. Kaya sinabi ko sa kapatid ko na sana, ‘wag mangyari sa kanya ‘yung nangyari sa ‘kin kasi hirap na hirap na ‘ko. Diring-diri pa rin ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sa ‘kin.


“Thank you to all my friends and family who always check up on me, I really appreciate it. Ang laban ko ay para rin sa lahat ng inabuso. The truth will prevail,” wika pa nito.  

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page