ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 21, 2025
Photo: Paulo at Kim Chiu - My Love Will Make You Disappear
Naiyak si Kim Chiu sa grand mediacon ng first-ever movie nila ni Paulo Avelino, ang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) pagkatapos ipakita ang iba’t ibang poster ng movie na gagamitin sa bawat bansa para sa international screening ng latest movie ng Star Cinema.
“Nakakaiyak,” sabi ni Kim.
“Parang sobrang laki ng movie and sobrang thank you sa Star Cinema for giving us this story. And, sa pagpapalabas sa international release na iba-iba ‘yung poster, ‘yung effort ng lahat, nakaka-overwhelm,” ani Kim sa paos na boses habang nagsasalita and at the same time ay naiiyak.
Para kay Kim, puwede naman daw na isang poster na lang ang gawin para sa movie nila ni Paulo.
“Pero iba-iba bawat bansa. (At) ‘Yung nakasulat pa, ‘di ko naintindihan kaya siguro naiyak ako. Pero, thank you. At, thank you rin sa ‘yo (Paulo), nangyari ‘to,” sabay tapik ni Kim sa balikat ni Paulo at napangiti.
Iba rin ang naramdaman ni Paulo nu’ng makita ang iba’t ibang latag na design sa poster ng MLWMYD.
Ayon kay Paulo, “Uh, honestly, very excited din. Medyo gulat din. Uh, hindi ko in-expect na ganoon karaming bansa ilalabas ang pelikula namin. Pero I’m very happy and very proud. Very happy for Star Cinema and everyone who worked on the film.
“Uh, actually, sa ‘kin kasi, ‘pag nakakaisip ako ng pelikulang ginagawa ko, hindi ko naaalala ang performance ko or ‘yung ganda ng cinematography. Ang naaalala ko lagi, ang lahat ng tao na nagtatrabaho sa likod ng pelikula. And kung maging successful itong pelikula — sana, maging successful itong pelikula — of course, ito ay para sa lahat ng tao na nagtrabaho sa likod ng kamera at naglako nitong pelikula. So, para sa inyo ‘to.”
Naiibang kilig ang hatid ng MLWMYD, hindi lang sa KimPau fans. Kasi naman, trailer pa lang, parang tinotoo na nina Kim at Paulo ang mga nakakakilig na eksena nila sa movie.
“A lot of times,” pag-amin ni Paulo when asked kung totoo na ang kilig na naramdaman nila ni Kim sa isa’t isa.
Aniya pa, “I think because minsan kasi, kailangan as an actor, kailangang totoo ‘yung nararamdaman n’ya, ‘yung inilalabas niya na emosyon para ‘pag pinanood ng mga tao, maniwala sila sa gusto n’yang ipakita sa kanila.”
Based on Paulo’s track record sa kanyang naging leading ladies, parang pinakapaborito niya si Kim. May special reason malamang kung bakit si Kim ang pinili ni Paulo na makapareha sa kanyang latest movie.
“Maraming rason, eh,” pahayag ni Paulo.
Aniya, “Hindi pa kami nakakapagpelikula together. Uh, tapos, rom-com din. Parang ‘di pa ako nakakagawa ng rom-com na pelikula with me starring in it. Saka si Kim, si Kim naman ‘yun, eh. Madali s’yang katrabaho and exciting din naman ‘yung concept. Tapos nalaman ko si Direk Chad (Vidanes) ulit. Tapos, istorya ni Prime, kaya na-excite rin akong gawin.”
Never nga raw in-expect ni Paulo na magiging close sila ni Kim.
“Actually, ‘di ko ine-expect na makakatrabaho ko si Kim. But I wanted to work with her. Ah, ‘yun, never ko talaga in-expect. Kasi parang after a while, naiba na rin ‘yung tahak ng mga gusto kong gawin. So, hindi ko alam na kay Kim pala ang bagsak ko,” kasunod ang malakas na sigawan ng KimPau sa loob ng Dolphy Theater kung saan ginanap ang mediacon ng MLWMYD.
Esplika naman ni Kim, “Uh, ‘di talaga. Kasi hindi ko alam kung paano siya kakausapin, eh. Parang ang layo niya talaga, eh. Ngayon may hampasan na, ganu’n. Kasi tatlong projects na rin naman ang pinagsamahan namin. And na-experience na rin namin ang iba’t ibang klase ng intensity ng pag-arte. Kailangang kilalanin mo rin ‘yung kaeksena mo, kaya nagiging close talaga kayo.”
Kasama rin sa MLWMYD sina Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Migs Almendras, Nico Antonio, at Martin Escudero.
BACK-TO-BACK episodes ang record-breaking online views ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ), matapos itong magtala ng 852,417 peak concurrent views o sabay-sabay na nanonood nang live sa Kapamilya Online Live sa YouTube nu’ng Pebrero 19.
Tinutukan sa naturang episode ang matagal nang inaabangang pambubuko at pagpapahiya kay David (McCoy De Leon), isa sa mga pinakapinanggigigilang kontrabida sa telebisyon.
Sa harapan mismo ng pinaka-iniidolo niyang tatay na si Rigor (John Estrada), walang prenong ibinulgar ni Marites (Cherry Pie Picache) ang lahat ng panlolokong ginawa ni David bilang pekeng Tanggol (Coco Martin) upang maangkin ang buong kayamanan ng mga Montenegro.
Samantala, kinapitan din ng mga manonood ang salpukan nina Tanggol at David noong Pebrero 18 kung saan nagtala ang episode ng 818,949 peak concurrent views.
Nakatikim na rin si David ng karma niya nang maiwan itong bugbog-sarado kay Tanggol matapos nitong malaman na ninakaw ni David ang kanyang pagkatao.
Ang dami pang aabangan na maaaksiyong kaganapan sa mga susunod na episodes, at isa na rito ay ang tapatan ng mga mortal na magkaaway dahil susugod sina Ramon (Christopher De Leon) at Tanggol sa Quiapo para maghiganti sa mag-amang David at Rigor.
Nitong Pebrero 13, ipinagdiwang ng BQ ang ikalawang anibersaryo ng serye. Malapit na ring makilala ang mga bagong karakter sa serye na mapapanood gabi-gabi.
Comments