top of page
Search
  • BULGAR

'Di raw swak sa isa't isa... ALDEN AT KATHRYN, PANG-CAMERA LANG, NEVER MAGIGING MAGDYOWA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 5, 2024



Showbiz News

Tiyak na ikalulungkot ng mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang hula ng psychic na tinaguriang Asia's Nostradamus na si Jay Costura tungkol sa tambalang KathDen. 


Bagama’t maganda ang kanilang tambalan sa pelikula at hinuhulaang kikita sa takilya ang Hello, Love, Again (HLA), hindi raw mauuwi sa totohanan ang kanilang relasyon dahil hindi sila swak sa isa’t isa.


Ayon kay Jay Costura, sa isang bruskong tulad ni Daniel Padilla nababagay ang personalidad ni Kathryn. 


At hanggang ngayon, nag-e-effort pa rin daw si Daniel upang muli silang magkita o magkaayos ni Kathryn. 


Tiyak na madi-disappoint ang mga KathDen fans dahil umaasa silang mauuwi sa seryosong relasyon ang closeness nina Kathryn at Alden. Perfect na sanang boyfriend si Alden para sa aktres dahil mabait, marespeto at very gentleman, pero hindi puwedeng ipilit kung hindi sila talaga nakalaan para sa isa’t isa.


 

SA interbyu ni Ogie Diaz sa psychic na si Jay Costura, nabanggit ang showbiz couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. 


May vibes daw si Jay na magpapakasal na ang dalawa sa taong ito (2024). Pero magiging secret wedding daw muna dahil sa mga kondisyon ng mga endorsements ni Julia. 


Sa kanyang edad, handang-handa na si Gerald na magpakasal at bumuo ng sariling pamilya dahil tapos na ang kanyang pagiging chickboy. 


Sinusuportahan ni Gerald ang career ni Julia, at sa wakas ay natagpuan na niya ang babae para sa kanya.


 

SIKAT na sikat at in demand ang girl group na BINI na may malalaking endorsements. Sila ang pinaka-Pinoy version ng Korean girl group na Blackpink, at malakas ang kanilang karisma sa mga kabataang GenZ, kaya naman mabenta ang kanilang concert. 

Phenomenal ang kanilang pagsikat kaya’t mahirap kunin sa TV guestings. Heavily guarded din sila kapag may mga events. 


Pero ayon kay Jay Costura, hindi na magtatagal ang kasikatan ng BINI. Malapit na silang malaos at madi-disband dahil sa pagkakainggitan at intrigahan sa kanilang grupo. 


May mga miyembro ring nagkokompetisyon at gustong magkaroon ng malaking exposure sa kanilang concert. 


Well, marami na rin ang hindi nagkakagusto sa grupong BINI dahil sa OA nilang pag-asta, na para bang mga big stars na sila kapag nasa public place. Kaya hindi na magtatagal ang kanilang kasikatan.


 

SA status ng career ni Coco Martin ngayon, masasabi na nasa peak na ang tagumpay niya bilang aktor. Tumatak sa mga viewers ang dalawa niyang shows na remake ng mga pelikula ni FPJ, ang Ang Probinsyano (AP) at Batang Quiapo (BQ).


Kaya naman, may mga grupo na lumalapit at kumukumbinse sa kanya na tumakbo sa anumang posisyon sa 2025 elections at ang posibleng target ni Coco ay pagka-congressman. 


Well, malakas ang kanyang karisma sa tao at tiyak na lulusot siya. Pero kung sasabak na sa pulitika si Coco, tiyak na iiwanan niya ang kanyang showbiz career. 


Marami na siyang naipundar na properties mula sa kanyang kinita sa showbiz at financially stable na siya ngayon. Lalawak na ang mga taong kanyang matutulungan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page