top of page
Search

‘Di raw sure kung aamin din ang TV host… SUGAR, UMAMING 7 TAON SILANG NAGING MAGDYOWA NI WILLIE

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 30, 2025



Photo: Sugar Mercado at Willie - IG - Wil To Win FB


Sa panayam ni Ogie Diaz (OD) kay Sugar Mercado, inamin ng dating Sexbomb dancer na pitong taon umano silang naging magkarelasyon ni Willie Revillame.


Pero, hindi raw siya sure kung aaminin din ito ng TV host.  


Aniya, “Hindi ako sure (laugh). Hindi naman s’ya umamin, eh (laughs). Ang kapal naman ng mukha ko kung aamin ako, hindi naman s’ya umamin, ‘di ba? Eh, di hindi ako sure. ‘Di ba, mamaya, nag-bonding lang kami.” 


Kinlaro nang husto ni Ogie kung totoo ngang 7 years ang naging relasyon nila. 

Sagot niya, “Oo. Hindi kasi siyempre, nakakahiya naman kung ako lang ‘yung ano [aamin], ‘di ba? Siyempre, kababae kong tao, hindi ako mukhang babae. Siyempre, may heart din ako. 

“Alam mo naman s’ya, pribado s’yang masyado, and sabi ko nga, never akong nagsisi sa lahat ng nangyari sa life ko. At aminado rin naman ako na minahal ko talaga ‘yung tao, nang sobra pa.”  


Tanong uli ni OD, kung naramdaman ba niya na minahal din siya ni Kuya Wil?  

Sagot niya, “Oo naman.” 


Tumatakbong senador ngayon ang TV host at bagama’t independent, pasok si Willie sa survey ng Magic 12.


Magkaroon kaya ng epekto sa kanyang kandidatura ang mga inamin ni Sugar tungkol sa kanila o mas makatulong pa ito kay Willie? 


 

SI Elisse Joson ang gumanap na young Tindeng, ang karakter ni Charo Santos sa Batang Quiapo (BQ).  


Sa isang interbyu kay Elisse, may nagtanong kung challenging ba para sa kanya to portray young Tindeng?  


“Siyempre, nakakakaba to play a young Ma'am Charo Santos,” ani Elisse.  


“I just hope I’ve given it justice,” dagdag niya before hinting that there’s still more to uncover in Tindeng’s backstory.  


Hirit pa ni Elisse, “Since alam ko na ‘yung present n’ya, it helps a lot na alam ko kung nasaan na ang future Tindeng— ‘yung future ng character ko.”


Lalo raw niyang pinag-aaralan ang karakter ni Tindeng.  


“Prior to shooting, nanood ako ng mga previous episodes that showed ‘yung mga distinct emotions ni Tindeng, kung kailan s’ya masaya, paano s’ya ‘pag galit, paano ‘yung kilig, meron din kasing slight love story si Tindeng,” ani Elisse. 


Diin niya, “‘Yun ang mga inaral ko... pinanood ko.”

May eksenang inabuso si Elisse ni Jhong Hilario, ang young Mayor Gustavo Guerrero (Dante Rivero).  


Bilib siya kay Jhong dahil hindi ito nag-take advantage sa pang-aabuso sa kanya.  


Aniya, “He was very careful. Nakakatuwa lang kasi, on screen, it looks parang grabe pero while doing it, everything was done na lahat naging careful sa isa’t isa.”


Dapat daw ay ido-double ang delicate scenes, pero dahil nadala na siya sa eksena at para ‘di na masira ang momentum ay itinuloy na rin ito.


“Pagkatapos, para akong nag-workout sa sobrang pagod,” pakli ng aktres.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page