ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 09 , 2021
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_1ea8358e593f4552b4c3f98aeb22a38b~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_1ea8358e593f4552b4c3f98aeb22a38b~mv2.jpg)
Hindi naman masisisi ang comedian na si Inday Garutay kung medyo napikon at na-hurt sa komento ng ilang kapwa niya stand-up comedians.
Sa vlog kasi ni Vice Ganda kung saan kasama niya ang mga stand-up comedians na sina Lassy at MC, nagbanggit sila ng ilang comedians na hindi naman daw nakakatawa. At isa na rito ay si Inday Garutay na sumikat dahil sa pang-i-spoof sa yumaong Queen of Intrigues na si Inday Badiday (Lourdes Carvajal in real life).
Na-offend at hindi naging maganda ang pagtanggap ni Inday Garutay sa komento ng mga dati niyang kasamahan sa comedy bar, lalo na't ang dating sa kanya ay pinagtatawanan siya ng mga ito.
Kaya sa kanyang sama ng loob ay nag-post din si Inday Garutay ng saloobin tungkol sa ginawa nina Lassy at MC.
Ayon pa kay Inday, nakakaapekto sa kanyang career ang statement na hindi siya nakakatawa kapag nagpe-perform. Ang pagiging comedian ang linya ng kanyang hanapbuhay. Paano pa siya kukuning mag-show kung ganito ang sinasabi sa kanya ng mga kapwa komedyante?
Well, hindi namin alam kung nag-sorry na sina Lassy at MC kay Inday Garutay at nagkaayos na sila. Hindi naman masasabing pipitsuging comedian si Inday Garutay.
Nakapag-aral din naman siya at maraming nagtitiwala sa kanya sa San Juan.
Kumakandidato siya ngayon bilang konsehal, kaya hindi naman siguro dapat na maging sentro siya ng biruan.
Ayon naman sa kampo nina Lassy at MC, hindi sila seryoso sa kanilang naging komento kay Inday Garutay. Biruan at katuwaan lang ang lahat. Hindi nila inakala na balat-sibuyas si Inday Garutay at mamasamain ang kanilang pagbibiro.
Pero, hindi naman kasi pare-pareho ang ugali ng tao. May mga sensitive at may mga game sa biruan. Ilagay lang dapat sa lugar ang lahat.
Comments