top of page
Search

‘Di raw pinanalo noon, inaangkin ngayon… VICE, NAGSUMBOMG KAY SOFRONIO SA PAMBA-BASH SA SHOW NILA DAHIL SA KANYA

BULGAR

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 8, 2025



Photo: Sofronio at Vice Ganda - It's Showtime - YT


Mainit na pagsalubong mula sa mga hosts ng programang It’s Showtime (IS) ang tinanggap ni Sofronio Vasquez nang maging espesyal na panauhin ang singer sa nasabing programa nitong Lunes, January 6, 2025, matapos nitong mapanalunan ang The Voice USA noong Disyembre.  


Ang engrandeng welcome ay bahagi ng pagbibigay-pugay ng IS hosts kay Sofronio. 

Sa umpisa ng interbyuhan, binanggit ni Vice Ganda ang batikos na tinanggap ng kanilang programa matapos manalo ang singer sa The Voice USA.


Tila sumbong ni Vice kay Sofronio, “Alam mo ba, binati ka lang dito ng Showtime, ang dami nang nagtalakan sa Twitter (X). Sabi raw ng basher, ‘Ngayon, pinapansin ninyo si Sofronio. Ngayon, inaangkin ninyo si Sofronio, kung maka-‘our very own’ kayo.’”  


Himutok pa ng basher na pagkatapos daw nitong ‘di magtagumpay sa Tawag ng Tanghalan (TNT), humingi ito ng trabaho sa staff ng IS at binigyan naman siya ng trabaho bilang vocal coach.  


Ganti ni Vice sa basher, “Naging vocal coach s’ya ng mga contestants ng Tawag ng Tanghalan. Hindi ninyo alam ‘yun kaya talagang pamilya s’ya, kaya…” sabi pa ni Vice.  

Sinundan pa niya ng “Belat” nang dalawang beses sa mga taong bumatikos sa IS nang manalo si Sofronio Vasquez at i-acknowledge ng programa na galing sa kanilang show ang kauna-unahang Asian grand champion sa 26th Season ng The Voice USA noong Disyembre 10, 2024.  


Well, binatikos ang IS ng ilang netizens na nagsabing inaangkin nila ang tagumpay ni Sofronio dahil grand champion ito sa The Voice USA, pero hindi naman daw pinanalo nang sumali ito sa TNT. Kaya nang magtagumpay siya sa The Voice USA at sa IS nag-umpisa ng career si Sofronio, masasabing may “K” ang mga bumubuo sa IS na tawagin si Sofronio bilang ‘our very own’.  


 

Nitong January 5 episode ng Showbiz Now Na (SNN) nina Tita Cristy Fermin, Rommel Chika at Wendell Alvarez, nagbigay ng opinyon ang movie columnist-anchor-vlogger na si ‘Nay Cristy sa bagong pelikula ni Darryl Yap, ang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP), kung saan naibahagi ng showbiz columnist na hindi raw niya suportado ang pelikulang ito ni Yap dahil salat daw ito sa katotohanan, na ibig sabihin ay ilusyon lamang ito ni Yap.  


“Natutuwa ako sa kanyang mga atake paminsan-minsan. Pero this time, hindi mo ako maisasama sa gusto mong palabasin,” bungad ni ‘Nay Cristy.  


Dagdag pa niya, “Ano’ng gusto mo, Direk Darryl? Ang wasakin si Bossing Vic Sotto dahil sa tagumpay ng The Kingdom (TK)? Kahit pa magkababayan kayo sa Olongapo, wala kang alam,” mariing sabi ni ‘Nay Cristy.  


Tinatanong din niya si Darryl kung ano ang kanyang motibo para sirain si Bossing Vic. Hindi naman ito tatakbo sa mid-term elections ngayong Mayo. 


“Bakit kailangan mo pa itong gawin? Ano ang (iyong) layunin?” pag-alma ni ‘Nay Cristy Fermin.  

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page