top of page
Search
BULGAR

'Di raw pagka-senador… NORA, PINATATAKBONG CONG. SA PARTYLIST

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | June 25, 2020




Who says na sa kabila ng tinamong popularidad at santambak na nagawang pelikula, plus teleserye ng tinaguriang Superstar ng Philippine Showbiz na walang iba kundi si Nora Aunor or Ate Guy ay wala man lang daw itong naipundar na ari-arian or lupain dahil sa pagiging super generous nito at bukas-palad lagi sa mga nangangailangan ng kanyang tulong?


Excuse me po. May mga ari-arian at lupain siya sa bayang kanyang pinagmulan – sa Bicol 'yun, for your information lang po.


'Yung kaban-kaban na bigas po na kanyang ipinamahagi kamakailan lang sa mga pasaherong pauwi sana ng kani-kanilang probinsiya na na-stranded nang ilang araw sa Villamor Air Base ay galing sa kanyang palayan sa Bicol, if you care to know.


Noong June 15 nga ay nagpakain at namigay siya ng bigas sa mga stranded passengers na nasa Villamor Golf course at Villamor Elementary School at sa Baclaran Church. Pinagtulungan nila ni John Rendez at mga assistants niyang sina Tami at Manang Elsa ang pagre-repack.


Umabot sa 200 packs of rice at 500 food packs ang naipamahagi sa mga naturang lugar. Bukod pa rito ang mahigit tatlong libong boiled eggs mula sa kanyang matalik na kaibigan.


Natutuwa naman si Ate Guy at karamihan sa mga stranded passengers ay nakauwi na sa kanilang probinsiya sa ngayon.


Sa June 28 naman ay magbibigay sila ng 300 packs ng relief goods sa mga pamilyang nangangailangan na nasa pangangalaga at tinutulungan ni Fr. Jose Nito C. Caligan sa Sanctuario Del Espiritu Santo sa Valenzuela.


Sobra ang pasasalamat ng Superstar sa mga kaibigan at tagasuporta na naging bahagi ng kanyang mga kawanggawa tulad nina Henry Galang, Bei Guevarra ng Sydney, Delia Landagan ng Japan, Robert Gannon, Edgar Castro (president ng Noranians Worldwide), Susan Bondoc, Ghie Tamayo at Benjie Afable.


Sa mga nagtatanong naman kung kelan siya muling magte-taping para sa Bilangin ang Bituin sa Langit ng GMA-7 afternoon serye ay sinabi niyang nasa produksiyon ng programa ang kasagutan dito, pero sinasabing inaayos na raw ito ngayon.


At sa napabalitang tatakbo siyang senador, wala raw itong katotohanan. Although may nag-aalok naman daw na partylist sa kanya, pinag-iisipan pa niyang mabuti.


Boom, ganern!

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page