top of page
Search
BULGAR

‘Di raw makalimutan ang naranasan… SITTI, PINATAYAN NG MIC, PINAURONG PA SA STAGE NG CO-SINGER SA ASAP

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 16, 2025



Photo: Sitti Navarro - Instagram


‘Kaaliw ang ginanap na mediacon ng Sessionistas na binubuo nina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Nyoy Volante dahil nag-reminisce sila ng mga unforgettable experiences nila noong nasa ASAP pa sila.


Sa mga hindi pa nakakaalam ay ang programang ASAP ang bumuo sa grupong Sessionistas na nagsimula noong 2009 at nawala sila sa show nu’ng 2015, pero sobrang nagpapasalamat ang mga nabanggit sa show dahil nabuo sila.


Walang sama ng loob ang mga nabanggit kung bakit sila nawala at kung anuman ang naging dahilan ng programa o ng network at naiintindihan nila ito.


Pero outside ASAP ay magkakaibigan sila, as in super close, at itinuring na mga kapamilya nila ang isa’t isa, lalo na kapag may mga pinagdaraanang problema, mapa-pamilya, personal o anupaman.


Perfect example na parehong brokenhearted noon sina Ice at Sitti sa kanilang respective relationship at dahil parehong masama ang loob ay umaming nag-inuman at nalasing sila sa Burgos Circle sa BGC, Taguig.


Si Duncan naman ay umaming laging late sa call time dahil puyat at may gig kinagabihan (Sabado) at wala pa siya sa mood kapag rehearsals pero alam niyang hindi excuse iyon kung may ganap.


May nasambit din si Kean na uso sa showbiz ang plastikan pero hindi na siya nag-elaborate kung ano ang experience niyang iyon, natawa na lang siya.


Pero si Sitti ay nagkuwento ng hindi niya makakalimutang senaryo habang nagba-blocking sila sa ASAP.


“May na-experience ako, pinatayan ako ng mic. Siyempre, blocking bago mag-perform,” simula niya.


Hirit ni Kean, “Plastikan ‘yan!”


Patuloy ni Sitti, “Nu’ng sumalang na kami, inurong na niya (kapwa singer), inurong na niya ako ru’n sa gilid (mula sa gitna), so may mga ganu’n.”


Kinukulit ang bossa singer kung sino ito, pero hindi niya binanggit at tapos na raw iyon, naalala lang niya.


Nagtatawanan ang ibang miyembro kung nasa ASAP pa ba ito at ano ang hit song, pero tumawa lang si Sitti.


Ang saya-saya ng naging takbo ng mediacon ng Love, Sessionistas: A Pre-Valentine concert na gaganapin sa February 8, The Theater at Solaire, 7 PM presented by Fire and Ice Entertainment at produced ng Fire and Ice LIVE, in partnership with Profero Aesthetics.


Samantala, si Ice raw ang nakaisip na magkaroon ng reunion concert ang Sessionistas.

Nag-okay naman daw ang lahat at nagbigay ng kanilang mga schedules at natapat na bago mag-Valentine ang show nila.


“Kaya nga ang sarap din na magkakasama kaming pito. Kasi we’re celebrating our friendship as well, that has stood the test of time.


“Ang tagal na rin naman talaga. So, ang sarap lang na alam mo ‘yun, we’re singing about lovers, we’re singing about friendship, we’re singing about all these amazing things.


“And alam mo ‘yun, nothing feels better than singing it with your friends na nasa tono.


“We have so many nice surprises for you, guys. Kakarating lang ng mga study, ng mga arrangement. And it’s so nice,” sey ni Nyoy Volante.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page