ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 28, 2025
Photo: Rhian at Sam - IG
Ang bagong lifestyle show ni Rhian Ramos na Where In Manila ang papalit sa pansamantalang magpapahingang public service show ni Manila mayoralty candidate Sam Verzosa sa GMA-7 na Dear SV.
Last episode na ng Dear SV ang eere sa Sabado, 11:30 PM sa GMA Network dahil magsisimula na nga ang kampanya at bawal nang mapanood sa TV si Sam.
Sa mediacon ng Where In Manila kahapon sa Winford Hotel, sinorpresa ni Sam ang GF sa pagdating niya para ipakilala ang bagong show na papalit nga sa Dear SV.
Hindi pa masabi ni Sam kung maibabalik pa ang show, depende raw ‘yun after election, pero kung papalarin siyang manalo, baka magamit niya ang Where in Manila ni Rhian para makatulong sa turismo ng lungsod.
Ang saya ng bagong show ni Rhian dahil iba’t ibang pagkain ang nadi-discover at tinitikman niya. Kahit nga may image na sosyal si Rhian, ‘di raw siya maarte at mas game pa nga siya kay SV (Sam Verzosa) na tikman ang kahit na anong exotic food na bago sa kanya dahil adventurous daw siya.
When asked kung ano sa tingin niya sa mga food na natikman na niya ang puwedeng maging trademark ng Maynila at maipakilala sa buong mundo, aniya, ‘yung SioMaynila na pinauso rin nila ni Sam nang mamigay sila ng mga foodcart sa mga taga-Manila para maging kabuhayan ng mga ito.
At nu’ng matanong naman namin si SV after ng mediacon kung ano sa mga ipinatikim sa kanya ni Rhian na food ang ‘di niya makakalimutan, natatawang sagot nito, “‘Yung cookie ni Rhian, siyempre,” na kung ilarawan niya ay napakasarap at sweet na sweet, hahaha!
‘Di ba nga, nag-viral ‘yung “Bas Bake cookie” ni Rhian dahil sa post niyang naka-bikini habang nagbe-bake.
Tinanong namin ang reaksiyon ni Sam sa viral photos ni Rhian at aniya, okay lang daw sa kanya at hindi issue ‘yung pagdi-display ni Rhian ng katawan nito sa socmed dahil nakilala naman na niyang ganu’n ang GF at hindi siya ang tipo ng boyfriend na babaguhin ang pagkatao ng partner base sa gusto niya.
Hindi rin naman daw nakikita ni SV na makakaapekto sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Maynila ang pagpapa-sexy ni Rhian sa socmed dahil artista naman daw ang GF at kilala na nga siyang ganu’n.
Well, ganu’n din naman ang katwiran ni Rhian, ganu’n na ang image niya kaya whether some bashers like it or not, sorry na lang sila, hahaha!
Anyway, sa March 8 na magsisimula ang Where in Manila, 11:30 PM sa GMA-7 kaya sabay-sabay tayong maglaway sa mga food na titikman ni Rhian na for sure, gugustuhin din nating makitikim, hehe!
MULA sa mundo ng vlogging, tumawid na rin sa paggawa ng pelikula ang sikat na ex-couple ng online world na sina Jai Asuncion at Agassi Ching a.k.a. JaiGa.
Bibida na for the first time sa isang pelikula na horror pa (take note!) si Jai Asuncion kasama ang ex-BF nga niyang si Agassi o Aga at ang magaling na TV and movie actor na si Alex Medina sa Postmortem na showing na in cinemas on March 19.
Kaibigan ng dalawang sikat na social media influencers ang director ng pelikula na si Direk Tom Nava (director din ng Showbiz Now Na! at Ogie Diaz Inspires) at natutuwa naman ang huli na may nagtiwala sa kanyang script para i-produce at gawing pelikula kaya after a long time, finally ay maipapalabas na nga ito sa mga sinehan.
Napanood namin ang trailer ng Postmortem sa ipinatawag na mediacon ng aming nanay-nanayan sa showbiz at ninang ko sa kasal na si Ninang Cristy Fermin na ginanap sa kanyang Mga Obra ni Nanay Gallery sa Casa Milan, QC last Tuesday.
Bongga, malakas ang jump scare ng movie kaya feeling namin ay papatok ito sa manonood lalo’t ang istorya ay tungkol sa paniniwala nating mga Pilipino na kapag nakita ang isang tao na walang ulo ay delikado siyang mamatay kaya dapat sampalin o tapikin ng nakakita.
Impressive rin ang nakita naming acting ni Jai Asuncion, na in fairness, may background naman daw sa theater acting nu’ng nag-aaral pa siya, kaya kahit launching movie niya ito, maipagmamalaki naman niya sa kanyang 2M followers sa Instagram, 2.7 M followers sa Facebook at 5.1M followers sa TikTok.
Aminado lang si Jai na may pressure at kaba sa kanya ang pagbibida sa movie dahil ngayon nga mate-test kung ‘yung milyun-milyon ba niyang followers sa social media ay susuportahan siya sa kanyang first acting on film.
Pero ‘yung mga fans ng kanilang JaiGa love team ni Aga, don’t miss to watch Postmortem kasi baka dito n’yo ma-feel kung may pag-asa pa talagang magkaroon ng part 3 ang love story nina Jai at Aga lalo’t hindi biro ‘yung 5 yrs. nilang relasyon, ha?
At nagpakatotoo naman si Jai na hindi agad-agad mawawala ang love niya kay Aga pero nasa moving on stage na raw siya ngayon at hindi pa handang maghanap ng bagong kapalit ng ex-GF. Ganu’n din naman si Aga, sa career daw ang focus sa ngayon kaya ‘di pa rin naiisip na maghanap ng bagong GF.
Pero heto, JaiGa fans, inamin nilang may panghihinayang sa kanilang breakup, so, posible pa nga kaya ang third chance?
Hmmm… puwedeng title ng next movie na gagawin nila. What do you think, Direk Tom Nava?
Anyway, kasama rin sa cast ng Postmortem sina Francis Mata, Jennica Garcia at mga vloggers na sina Sachzna Laparan at Albert Nicolas.
Kommentarer