top of page
Search
BULGAR

'Di raw makaarte 'pag wala… COCO, NAKA-JACKET PA RIN KAHIT SUPER-INIT NA SA QUIAPO

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 16, 2023



Sa pilot episode ng FPJ's Batang Quiapo last February 13, nag-viral at nagpakita ng gilas sa ratings ang bagong action serye ni Coco Martin.


Nagkaroon ng 340,000 plus concurrent viewers o sabay-sabay na panonood ng mga netizens habang umeere ang primetime serye sa TV5, A2Z, Kapamilya Online, iWantTFC at iba't ibang platforms.


Sa Plaza Miranda kung saa'y pinanood ng buong cast ang unang episode ng BQ, umani na ng suporta si Coco sa madlang pipol.


Pinalakpakan ang eksena nila ni Miles Ocampo habang nire-rape ni Coco hanggang sa makapanganak ito.


Sa pagpapatuloy ng kabanata sa telebisyon, nasa Quiapo rin at pinanood ang unang episode ng serye sina Lovi Poe, John Estrada, Cherry Pie Picache, Tommy Abuel at Christopher de Leon kasama ang mayor ng Manila na si Honey Lacuna.


As usual, may eksenang "pinulutan" ng mga sanggano o ng mga batang Quiapo si Coco at akala'y namatay siya agad. Subali't sa sumunod na eksena, buhay pa pala ito at nasa piitan.


Sabi ng madlang pipol, gaya ni FPJ, immortal o walang kamatayan ang karakter ni Coco sa BQ. Maging ang mga suntukan, gayang-gaya ni Coco ang the late Da King.


Samantala, may nakakapansin din na bakit lagi raw nakasuot ng jacket si Coco samantalang ang init-init sa gitna ng Quiapo or to be specific, sa Quinta, Evangelista, Sta. Cruz o maging sa Plaza Miranda kung saan kinukunan ang mga actions at fight scenes.


Sa isang panayam ng Sakto (isang TV program sa ABS-CBN) kay Coco Martin, ibinahagi ng actor na kapag may gagampanan siyang role ay talagang in-character siya, gaya na lamang ng pagganap niya bilang Cardo sa successful series nilang Ang Probinsyano.


“Nakakalungkot kasi ang tagal ko ring isinabuhay si Cardo. Ang tagal ko siyang isinapuso, pitong taon. Kasi kapag gumagawa ako ng character sa buhay ko, sa mga proyekto ko, hindi siya parang damit sa akin na hinuhubad lang. Kapag sinimulan ko ang proyekto, huhubarin ko ‘yung character ko pagkatapos na nu’ng project,” sabi ni Coco.


Dagdag pa niya, “Kaya minsan, nawiwirduhan sa akin ang mga tao. Sabi sa akin, ‘Ang init-init, lagi kang naka-jacket.’ Totoo ‘yun. Sabi ko, ‘Paano ko maiaarte ang isang character kapag hindi ko isinabuhay?’


“Kapag isinabuhay mo siya, kapag alam mong everyday, ikaw na si Cardo, hindi ka na maliligaw kahit nakapikit ka pa, kahit biglang gisingin ka pa, si Cardo ka na," paliwanag ng Primetime King.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page