‘Di raw kinaya… CRISTINE, SISING-SISI NA HINDI PINUNTAHAN ANG AMA SA OSPITAL BAGO NAMATAY
- BULGAR
- 6 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 22, 2025
Photo: Cristine Reyes at Daddy Metreng - Instagram
Nagluluksa rin ngayon si Cristine Reyes dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na adoptive father na si Demetrio “Daddy Metreng” Pascual.
Sa kanyang Instagram (IG) account ay ibinahagi ng aktres na sumakabilang-buhay ang kanyang ama-amahan nitong nakaraang April 17, 2025. Kalakip ng kanyang post ang video kung saan ay mapapanood ang pagbisita niya sa may sakit na stepfather kamakailan.
Sa video ay ipinakita ni Cristine ang bahay ng stepfather sa Santolan kung saan din siya lumaki. Kitang-kita nga ang saya sa aktres habang ginugunita ang kanyang childhood days sa naturang tahanan.
Makikita rin sa video ang masaya nilang bonding moments ng kanyang Daddy Metreng.
“Itong video na ito ang huling alaala na itatabi ko. Ang ating huling salo-salo sa ating munting tahanan na punong-puno ng masasayang alaala. Ang iyong huling ngiti at halakhak dito ang palagi kong aalalahanin, Daddy,” simula ng aktres sa kanyang caption.
“Sorry kung hindi ko na kinaya makita ka sa ospital. Pinagsisisihan ko na hindi kita nahagkan sa iyong huling hininga.
“Luhaan man kami ngayon, alam namin na payapa ka na. Hindi ka namin makakalimutan, Daddy. Kulang ang salitang ‘salamat,’ Dy,” aniya.
Pinasalamatan ng aktres ang adoptive father sa pag-aaruga at pagmamahal sa kanya.
“Bagkus ako’y lubos at taos-pusong nagpapasalamat sa pagbusog mo sa akin, sa amin ng pagmamahal, paggabay at pag-aruga. “Napakasuwerte namin lahat sa ‘yo sa lahat ng ibinigay mo na walang katumbas na halaga. Ikaw ang tunay naming kayamanan,” aniya.
“Rest in peace, Daddy Metreng. Daddy Yow. Lolo Dad. Love and light, always,” ang mensaheng pamamaalam ni Cristine sa stepfather.
Matatandaang bago yumao ang kanyang Daddy Metreng ay nababanggit-banggit na rin ng aktres sa kanyang mga posts na may sakit ito. Kamakailan nga lang ay naghahanap pa siya ng mauupahang bahay para sa kanyang stepfather.
Sa mga posts ni Cristine Reyes ay kitang-kita ang labis na pagmamahal niya sa kanyang adoptive father hanggang sa huling sandali.
NGAYONG araw, Martes, April 22, nakatakdang ihatid ang labi ni Superstar and National Artist for Film Nora Aunor sa kanyang huling hantungan.
Nakatakda ring ganapin ang kanyang state necrological funeral services ngayong 8:30 AM sa Metropolitan Theater in Manila base sa inilabas na joint statement ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP).
“The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP) join the nation in commemorating the life and remarkable contributions of National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Cabaltera Villamayor, belovedly known as Nora Aunor, in a necrological service on Tuesday, April 22, 2025, at the Metropolitan Theater in Manila,” ang pahayag ng CCP at NCCA.
“Arrival honors will begin at 8:30 AM, followed by a tribute program at 9:00 AM. The state funeral rites will continue at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City,” dagdag pa nito.
Iniimbitahan ang publiko at mga tagahanga ni Ate Guy na dumalo sa necrological service. Limitado ang seats na available pero maglalagay naman daw ng screen sa labas para sa mga hindi makakapasok bukod pa nga sa naka-livestream ito sa Facebook pages ng NCCA at CCP.
“The National Artist, who passed away on April 16, 2025 at 71, was a distinguished film, television, and theater actor, a renowned singer, and a film producer. Her career began in amateur singing competitions, eventually gaining attention when she won the television talent show Tawag ng Tanghalan (TNT) in 1967. Her successful stint in the popular television show along with her appearance in Darigold Jamboree (DJ), led to her phenomenal rise earning the iconic title of the Philippine film industry’s Superstar.
“Among her acclaimed films are Bona (1980), which was the closing film of Cinemalaya 2024, as well as Himala (1982), Bulaklak ng City Jail (1984), and The Flor Contemplacion Story (1995) – all were featured at the CCP Cine Icons program.
“She was conferred the Order of National Artist (Orden ng Pambansang Alagad ng Sining) by the Office of the President in 2022. The Order of National Artist is the highest national recognition given to Filipino individuals who have made significant contributions to the development of Philippine arts,” ang pagpupugay ng NCCA at CCP sa Superstar.
Paalam sa nag-iisang Superstar, sa ating National Artist at sa greatest actress of all time na si Nora Aunor.
Comments