ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 15, 2021
Puring-puri ng mga viewers ng afternoon soap na Ang Dalawang Ikaw ang husay ni Ken Chan sa kanyang pagganap sa dual role bilang sina Nelson at Tyler. Bilang isang mabait at isang salbahe, pabigla-bigla ang kanyang pagpapalit ng katauhan, kaya hirap na hirap din ang kanyang misis na si Mia (Rita Daniela).
Bentahe naman kay Beatrice (Anna Vicente) kung si Ken Chan ay nagiging si Tyler dahil siya ang nakikilalang asawa.
Grabe ang emosyon na ibinubuhos nina Ken at Rita sa kanilang mga eksena sa Ang Dalawang Ikaw. Nakaka-drain at hirap silang bumitaw sa kanilang character kahit tapos na ang eksena.
Samantala, on the lighter side, nakakaaliw naman ang sagot ni Ken Chan kay Rita nang tanungin siya ng aktres kung "jojowain o totropahin" niya ito.
Sagot ni Ken, "Pakakasalan!"
Minsan naman ay sinabihan ni Ken ang kanyang leading lady na “Mahal na pala kita” kahit wala naman 'yun sa script nila sa Ang Dalawang Ikaw.
Kaya, wish ng kanilang mga fans ay magkadebelopan na sina Ken at Rita. May chemistry sila at bagay sa isa't isa.
Comments