ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 29, 2024
Photo: Alden at Kath sa Hello Love Again, Marian Rivera - Instagram
Nagpaabot ng kanyang pagbati ang Primetime Queen na si Marian Rivera kina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa tagumpay ng pelikulang Hello, Love, Again (HLA) na umabot na sa P1 billion plus ang kinita sa takilya.
Kahit na sabihin pa ng ilang mga bashers na nahigitan ng HLA ang kinita ng Rewind movie nila ni Dingdong Dantes, muntik na ring naka-P1 billion ang kinita sa takilya ng DongYan movie.
Sincere si Marian sa kanyang ginawa at walang inggit at hindi siya na-insecure sa tagumpay ng HLA. Mas dapat pa nga raw na maging masaya ang lahat ng artista sa tagumpay ng KathDen movie dahil patunay ito na bumabalik na ang sigla ng movie industry.
Well, sana sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 ay kumita rin ang lahat ng pelikulang kasali sa filmfest.
MASAYA at excited ang mga Vilmanians sa balitang may isang 3-series book na gagawin para sa Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Ang libro ay tatalakay sa personal na buhay ni Ate Vi, sa kanyang pagiging aktres at sa kanyang pagiging public servant.
Isang magaling na professor na may doctorate degree ang susulat ng libro tungkol kay Vilma, at ang publisher ay isang unibersidad na sikat sa buong Asia, ang UST.
Napapanahon na ang pagbuo ng libro tungkol sa buhay ng magaling na aktres na binansagang Star for All Seasons.
Malaki ang naiambag ni Vilma Santos sa movie industry, at nakagawa na siya ng magaganda at mga de-kalidad na pelikula. Hindi na rin mabilang ang acting awards na kanyang nakamit.
Mahigit anim na dekada na siya sa showbiz at nagsimula ang kanyang showbiz career bilang child star.
Hindi rin matatawaran ang kanyang track record bilang public servant. Nanungkulan siya bilang mayor ng Lipa City, hanggang sa naging gobernador, at ngayon ay magbabalik upang muling pamunuan ang Batangas.
Well, may maganda ring pamasko si Ate Vi sa mga Vilmanians dahil may movie siya sa darating na MMFF 2024, ang Uninvited na produced ng Mentorque Productions at idinirek ni Dan Villegas. Kakaibang pagganap ni Vilma ang mapapanood ng lahat.
PURING-PURI ng mga netizens ang aktor na si Jake Ejercito dahil kailanman ay hindi niya ikinahiyang aminin sa publiko na isa siyang binatang-ama.
Kahit marami ang nagsasabing makakaapekto sa kanyang career kapag nalaman ng mga fans na may anak na siya, nagpakatotoo pa rin si Jake, wala siyang balak itago ang tungkol sa kanyang anak na si Ellie.
In fact, simula pa noong bata si Ellie ay laging nagpo-post si Jake sa social media ng mga larawan nila, pati na rin sa pagbabakasyon nilang mag-ama abroad.
Ngayon ay 13 years old na si Ellie, at binigyan ng memorable birthday celebration ng kanyang Daddy Jake at grandma na si Laarni Enriquez. Dumating din si Andi Eigenmann, kaya nakasama ni Ellie ang kanyang mom at Daddy Jake. Kumpleto sila sa family picture.
Maganda ang co-parenting setup nina Andi at Jake, may open communication sila at nananatiling magkaibigan.
Hindi pinipigilan ni Jake si Ellie kung gustong sumama sa Siargao para makasama ang dalawang kapatid. Pinapayagan naman ni Andi si Ellie na magbakasyon sa USA kasama ang Ejercito family.
Nagpasalamat din si Jake kay Philmar Alipayo dahil itinuring ding anak si Ellie.
BAKIT daw tahimik pa ang ibang pelikulang pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024? Bakit hindi pa sila nag-iingay para i-promote ang kanilang filmfest entry?
Ang movie nina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual na The Kingdom (TK) ay ngayon ang mediacon. Mukha namang interesting ang movie, base sa trailer na ipinasilip na.
Pero si Vice Ganda, bakit ayaw pang mag-ingay para sa movie niyang And The Breadwinner Is … (ATBWI)? Consistent top grosser sa MMFF ang mga pelikula ni Vice Ganda, malakas pa rin ang hatak niya sa moviegoers.
Si Vic Sotto, ever since ay tahimik lang at hindi nakikilahok sa ibang MMFF entries.
Katwiran ni Bossing Vic, hindi siya nakikipagkumpitensiya sa kahit sinong artista o pelikula. Ang gusto lang nila ay magpasaya ng mga batang manonood ng kanyang pelikula. Naging panata na nila ang gumawa ng MMFF movie taun-taon.
At si Piolo Pascual na kasama nga sa TK, marami pa ring mga loyal fans at tiyak na panonoorin ang movie nila ni Bossing Vic Sotto.
Comments