ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 17, 2024
Photo: Neil Arce at Julie Anne San Jose - Instagram
Nagpasalamat ang mga fans ni Julie Anne San Jose kay Neil Arce dahil sa Facebook (FB) post nito tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Kapuso singer-actress dahil sa performance niya sa simbahan.
Sey ni Neil, “Saw the issue about Julie Anne San Jose singing in church. I saw her and her network apologize as well. Why apologize? Let’s all remember, we were made in His image and likeness. We have a sense of humor because God has a sense of humor, we enjoy listening to music and seeing people dance because God likes listening to music and seeing people dance as well!
“Why would He give us these talents if He doesn’t want us to use it? I guarantee you mas hindi nagustuhan ng Diyos ang mga nag-judge sa kanya.”
Ang daming nag-like sa post na ito ni Neil na ibig sabihin, pabor sila sa sinabi nito. Matutuwa si Julie kapag nabasa ang post na ito ni Neil Arce dahil may mga gaya sa husband ni Angel Locsin na hindi siya kinondena at ipinagtanggol pa nga siya.
PORMAL nang ipinakilala si Ogie Diaz bilang main host ng Quizmosa, ang new variety show ng TV5 na ang description ay “chismis with a quiz”. Kasamang ipinakilala ang mga makakasama niya sa show na sina Ton Soriano na isang viral comedian and content creator, ang social media star na si Tita Jegs at ang heartthrob na si Kid Yambao.
Sa mediacon, nagpa-sample ng isang game na gagawin na tinawag na “Mamili Ka” na ang mga tanong ay tungkol sa showbiz, kaya mahuhulaan ng contestant.
Ang contestant ay puwedeng from showbiz o non-showbiz peeps at sabi ni Ogie, welcome mag-guest kahit ang mga artistang ayaw, galit o nagdemanda sa kanya.
Hindi lang host ng Quizmosa si Ogie, kasali rin siya sa creative, hindi nga lang sinagot ang tanong namin kung iba ang talent fee (TF) niya bilang host at bilang member ng creative team. Nabanggit nito ang pangalan ni Enrico Santos na isa sa mga writers o kasama sa creative team. Nagkatrabaho na sila ni Ogie sa ABS-CBN.
Kita at ramdam ang rapport ni Ogie with his co-hosts. Maganda ang batuhan nila ng joke at parang ni-rehearse ang batuhan nila ng punchline. Swabe ang datingan at dahil ito sa magagaling sina Ton at Tita Jegs and in fairness, nakasabay si Kid.
Natanong si Ogie sa isyung kapareho ng title ng Quizmosa ang title ng bagong segment ng TikToClock. Ginamit na ng GMA-7 ang segment title sa episode ng kanilang show, samantalang sa October 21, 2:30 PM pa ang pilot ng show nina Ogie sa TV5.
“Bahala na ang MediaQuest Ventures sa isyung ‘yan. Ang alam ko, naka-register sa pangalan ng Mediaquest Ventures ang copyright at trademark at August pa lang, ‘yun na ang title ng show namin,” sagot ni Ogie.
Ang MQuest Ventures at Cignal TV ang producer ng Quizmosa na nangako ng ‘bigger and bolder entertainment package to viewers’. Nangako rin sina Ogie na gagalingan nila ang pagpapatakbo sa show dahil ang goal nila ay bumalik sa panonood sa telebisyon ang mga tao. Goal din nilang paabutin ng 20 years ang show.
WORDS of encouragement at ang iba, nag-congratulate pa kay Kylie Padilla for being a good mother to her two sons pagkatapos niyang i-post ang palitan nila ng letters ng kanyang mga anak.
Ang cute ng sulat ng panganay niyang si Alas na ang sabi (as is), “I love you, Mama. In the whole world and universe. Be okay in work.”
Sa isa pang sulat, ang sabi naman (as is), “I wish Bakti will be okay in Heaven and please God takeker of bakti.”
Ang cute raw na hindi kinorek ni Kylie ang spelling ng “take care” ng anak.
May mga naka-relate naman, lalo na ang mga single moms, sa letter ni Kylie sa mga anak na sina Alas at Axl. May mga naluha pa nga at gustong yakapin ang mga anak ni Kylie.
“Hi babies! Mama misses you. Always thinking of you! Behave kayo, ha? ‘Wag kayo mag-aaway, ‘wag n’yo sigawan mga yaya ninyo. Konting tiis lang, sa work si mama. Bili kayo food n’yo, I love you.”
Ang caption ni Kylie sa kanyang post ay “We are a letter writing family.”
Ang comment ng mga netizens, iba kapag working mom, gustuhin mo mang hindi iwan ang mga anak, hindi puwede dahil kailangan mong magtrabaho.
At least si Kylie Padilla, may mga projects. Nasa cast siya ng Asawa Ng Asawa Ko (ANAK), may Sang’gre pa siya at kasama sa cast ng MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones (GB).
Comments