top of page

'Di raw dahil break na sila ng BF… SUNSHINE, ALA-DORA THE EXPLORER SA BUHOK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 15, 2021




Proud na idinispley ni Sunshine Cruz sa kanyang Instagram post na series of photos ang kanyang bagong hairstyle.


For the longest time ay nagmarka na sa showbiz ang hitsura ni Sunshine with her long hair.


Never pa siyang nakita na maikli ang buhok simula nu'ng pumasok siya sa showbiz.


At bukod sa nagpaikli ng buhok, nagpa-full bangs na rin si Sunshine.


Caption ni Sunshine: "Great things never came from comfort zones. Sometimes, change is good."


Sa showbiz, kapag may babaeng artistang nagpagupit o nagpaikli ng buhok, sign daw ito na may pinagdaraanan sa kanyang love life.


Mukhang pamilyar si Sunshine rito, kaya inunahan na niya ang mga intrigera at Marites sa social media. Bago pa man may kumalat na tsikang hiwalay na sila ng boyfriend na si Macky Mathay, nag-post si Sunshine ng mga larawan na kasama ang kanyang nobyo pati na rin ang mga anak niya and her mom habang nagdi-dinner sa Sofitel Hotel sa Roxas Boulevard.


Almost all, if not all of her followers and celebrity friends sa kanyang Instagram ay nagustuhan ang bagong look ni Sunshine.


"Wow!!! New look Shine... Love it," comment ni Almira Muhlach.


"OMG, Ms. Shine!!! Super bagay!!!" say ni Sue Ramirez.


"Amen, very beautiful," post ni Momshie Melai Cantiveros.


Napa-OMG! naman ang isa sa tatlong anak na babae ni Sunshine sa ex-hubby niyang si Cesar Montano na si Sam.


Reply ni Sunshine sa anak, "You like my Dora the Explorer look?!"


Papuri naman ng isang netizen, bumata raw nang 5 years ang hitsura ni Sunshine sa kanyang bagong look.


Nag-reply ang celebrity friend ni Sunshine na si Jackie Forster sa nag-comment na bumata nang 5 years ang kapwa niya Regal baby noong dekada '90, "You forgot the 1 =15 years younger, whohoooo. Shine bright like a (diamond emoji)!"


Meron ding nagsabi na hawig niya si Tokyo ng sikat na Netflix series na Money Heist at si Lisa ng Korean girl group na BLACKPINK.


"Wig lang ba 'yan, Sunshine? Para kang si Tokyo ng Money Heist," komento ng isang netizen.


"Biglang tingin, akala ko si Lisa ng [BLACKPINK]. Ang ganda, for a change look, bumagay sa inyo. Love it," sabi naman ng isa pang netizen.


'Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page