ni Mary Gutierrez Almirañez | March 22, 2021
Muling tumanggi si Presidential Spokesperson Harry Roque na ipakita sa publiko ang positive result ng RT-PCR test niya matapos iulat na nagpositibo siya sa COVID-19 nitong ika-15 ng Marso, ayon sa panayam sa kanya kaninang umaga.
Aniya, “What is the big deal? Being positive is not a badge of honor. I stayed in an isolation facility. Would I do that if I was not positive? Why can’t public officials such as the presidential spokesperson be entitled to presumption of regularity of pronouncements?”
Ayon pa kay Roque, susunod siya sa kanyang doktor kapag sinabi nitong manatili siya sa nasabing quarantine facility, kahit pa siya ay asymptomatic.
Matatandaang tumanggi na rin siya noon na ipakita ang kanyang RT-PCR test at nilinaw din niya ang alegasyon na siya ay naka-isolate umano sa isang posh hotel sa Pasay.
Sa ngayon ay walong araw na siyang namamalagi sa isolation facility sa San Juan. Dagdag pa niya, hindi na siya makapaghintay matapos ang kanyang 10-day quarantine. “It is my 8th day. I am going bonkers,” sabi pa niya.
Hozzászólások